^

Pang Movies

Marian nahasa na sa pagluluto, Dingdong nawala ang takot sa daga!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian nahasa na sa pagluluto, Dingdong nawala ang takot sa daga!
Marian and Family

Teacher ang nagiging papel ni Marian Rivera sa anak na si Zia sa panahon ng enhanced community quarantine. Isiniwalat ito ni Yan sa live chat nila ni Dingdong Dantes kay Jesssica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho last Sunday.

“Ako ang teacher ni Zia at tinuturuan ko siya. Halos everyday naming ginagawa ‘yon ngayong quarantine para may dagdag kaalaman siya,” saad ni Marian kay Jessica.

Ang pangarap na maging asawa at nanay ng pamilya ang pinakagustong nangyari ni Yan ngayong lockdown. Nahasa rin ang kanyang pagluluto.

“Si Dong ang tagatikim! Ha! Ha! Ha!” sey ni Yan.

Of course bukod sa gawaing bahay at pag-aalaga sa dalawang anak, tuloy ang pagtulong ng mag-asawa sa mga frontliner at health workers.

“Ang sarap lang magbigay ng tulong sa mga tao na pumuprotekta sa atin. Gaya ng marami, gusto rin naming bamalik na sa normal ang lahat,” rason ni Marian.

Samantala, si Dong naman, ibinisto na sa ilang buwan nang quarantine eh, na-overcome na niya ang takot niya sa daga, huh!

“May umaaligid minsan sa labas ng bahay. Dati takut na takot ako sa daga!

“Pero ngayon, kaya ko nang makipag-face to face! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Dong

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with