Abogado nakisali sa sakang trending
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 18, 2020 - 12:00am

Galit ang Kathniel fans sa isang abogado na nakisali sa trending topic na #SakangSiKath at ni-retweet pa ang ilang tweets na negative ang sinasabi tungkol kay Kathryn Bernardo.

Kahit ang argument ng abogado ay gusto lang niyang asarin ang fans ni Kathryn at hindi talaga si Kathryn ang puntirya niya, hindi pa rin maganda para sa supporters ni Kathryn ang ginagawa nito.

Sinabihan siyang sayang ang pinag-aralan niya sa kanyang ginagawa, pero deadma ang abogado. Hinihintay namin ang resbak ni Daniel Padilla.

But as of yesterday, deadma si Kathryn sa bashers at trolls at kahit hindi na niya sagutin ang bashers, kaya na ‘yun ng kanyang fans. Pati nga ang fans nina Julia Barretto at Liza Soberano  hindi nagustuhan ang trending topic at kasama silang lumalaban sa bashers ni Kathryn.

Kris sa tabing dagat na titira

Hanggang bukas pa ang pamimigay ni Kris Aquino ng P2,500 sa eight lucky netizens na makiki-FB Live sa kanya at may magandang sagot sa tanong niya kung bakit sila ang kailangang mapili at mabigyan ng ayuda.

Nakakaaliw dahil ang daming nadidiskubre ni Kris sa nakakatanggap ng pera mula sa kanya na nakakadagdag saya sa FB Live. In between interviewing the lucky recipient, nakakapagkuwento si Kris at nabanggit pa nga na walang dapat ikabahala ang mga taga-Tarlac dahil hindi siya papasok sa pulitika at hindi siya tatakbo.

Ang gusto na lang ni Kris, manirahan sa tabi ng dagat para presko ang hangin. Ang kailangan lang, malapit sa ospital dahil nga sa marami niyang sakit. Maganda nga naman kung may medical emergency siya ay agad siyang maitakbo sa ospital. In fact, sa FB Live niya, obvious pa ang rashes sa mukha niya dala ng pag-atake ng hives.

Wala na siyang balak balikan pa ang career niya at feeling niya, naabot na niya ang kanyang peak. Kung may maganda man daw mangyari, na kay God na ‘yun. Kaya nagulat si Kris nang mag-trending ang Kris TV at nagpasalamat na rin.

Samantala, sinagot ni Kris ang tanong ng isang netizen kung retokada ba siya dahil sa pinost niyang litrato niya na mula sa ad campaign ng isa niyang endorsement. Sagot ni Kris: “May good mannerd and right conduct po kayo? This print shoot was for @ultherapy so medyo obvious na maraming non invasive procedures na nagawa na sa mukha ko. Satisfied?”

Ayun, kinuyog ang nagtanong, dinelete ang IG account at gumawa ng bagong IG account na siyang sumagot sa mga nang-away sa kanya.

Julie Anne nakapaghanda sa birthday

Birthday kahapon ni Julie Anne San Jose, she’s 26 years old at nagawan ng paraan na ipaghanda ng kanyang pamilya. Pinost ni Julie ang kanyang handa na parang in-order dahil sa pinaglagyan at siyempre, may kasamang birthday cake. “26 and forever grateful. Thank You Lord, family, friends and loves ones. Thank y’all for the greetings.”

Kabilang sa mga bumati kay Julie ay ang Kapamilya stars na sina Gary Valenciano, Marlo Mortel at Jaya. Hindi rin nagpahuli ang mga Kapuso stars sa pagbati.

Kagabi ay nagkaroon ng birthday online concert si Julie for her supporters billed Jam with Julie na napanood sa Facebook pages ni Julie at ng GMA Artist Center.

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with