Vice Ganda
Vice umaming hindi ok ang lagay !
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 18, 2020 - 12:00am

Inamin ni Vice Ganda na nalulungkot siya sa sunud-sunod na hindi magandang pangyayari ngayon.

“Hindi ako ok sa mga nangyayari,” aniya sa kanyang kauna-unahang Facebook Live last Saturday night, “hindi ako ok na may pandemiya, hindi ako ok na may karamdaman na nagkalat sa kalsada na nag-aantay lang na pangasin tayong lahat. Hindi ako ok nu’n.

“Hindi ako ok na walang ABS-CBN, hindi ako ok na walang TV Patrol, hindi ako ok na walang Showtime, hindi ako ok sa mga nangyayari.”

Pero okay pa naman daw ang katinuan niya at nakaka-survive pa naman daw siya pero hindi raw niya itatanggi na talagang nalulungkot siya.

“I will not deny the fact na itong mga nakalipas na araw, may mga araw na naiiyak ako. Naiiyak ako, kasi nalulungkot talaga ako, nalulungkot ako sa mga nangyayari sa paligid na may pandemic, tapos biglang nawala ang ABS-CBN.

“Ta’s, nalulungkot ako dahil parang ang daming poot ng mga tao, parang hindi magkaintindihan ang mga tao. Parang ang da­ming galit sa isa’t isa. Parang ayaw magkaunawaan, Nalungkot ako du’n,” aniya.

Isa pang ikinalulungkot niya ay ang galit na ipinapakita ng mga netizens sa mga kasamahan niyang sina Coco Martin at Kim Chiu.

“Nalulungkot ako para sa mga kaibigan ko na parang nami-misinterpret, mga kaibigan ko sa showbiz. Nalulungkot ako para kay Coco, nalulungkot ako para kay Kim Chiu kasi hindi nila deserved na pagsalitaan.”

Mas magiging maganda raw kung magkakaunawaan na lang ang mga tao at hindi galit sa isa’t isa. Pero umaasa naman din daw siya na magiging ok din ang lahat.

Payo ni Vice Ganda na huwag na raw i-try na ikontrol pa ang mga basher dahil hindi mangyayari ito. Ang mas dapat kontrolin daw ay ang sarili na huwag nang pumatol pa sa mga ito.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with