Misis ni Slater, manganganak na
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 17, 2020 - 12:00am

Malapit na ring maging isang ganap na ama ang 2012 Big Winner ng Pinoy Big Brother: Unlimited Edition, ang Filipino-Chinese engineer na si Slater Young from Cebu dahil   isisilang ng kanyang misis, ang influencer na si Kryz Uy ang kanilang magiging first baby.

Sina Slater at Kryz got engaged nung Feb. 18, 2018 at nung Feb. 17, 2019 naman sila ikinasal sa Shangri-La in Cebu.  Nung Dec. 1, 2019 naman nila ibinalita ang pagdadalang-tao ni Kryz.

Bago si Kryz ay sandaling naging kasintahan ni Slater ang West-End at Broadway singer-actress na si Rachelle Ann Go na may asawa na rin, ang American na si Martin Spies.

Ayon kay Slater, ang distance ang naging sanhi ng kanilang paghihiwalay ni Rachelle Ann na naka-base na ngayon sa London kung saan sila nakabili ng bahay ng kanyang husband  na nag-relocate na rin sa London from New York City, USA kung saan sila unang nagkakilala.

Tita ni Kris pumanaw na!

Nagluluksa ngayon ang pamilya Aquino at Oreta sa pagpanaw ng tiyahin ni Kris Aquino, ang dating kongresista at senador na si Maria Teresa `Tessie’ Aquino-Oreta, ang bunsong kapatid ng yumaong ama nina Kris at dating Pangulong Noynoy Aquino na si dating Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino.

Si Tessie ay ina ng kasalukuyang mayor ng Malabon na si Mayor Antolin `Lenlen’ Aquino Oreta at ng kanyang mga kapatid na sina Rissa, Karmela at Lorenzo Aquino Oreta at misis ni Antolin Oreta, Sr.

Tulad ng kanyang mga kapatid na sina Ninoy at Butch Aquino, si Tessie ay nanilbihan ding senador ng isang termino at tatlong termino naman bilang isang kongresista.

Si Tessie ang pinaka-bunso ng walong magkakapatid.  

SLATER YOUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with