^

Pang Movies

Provisional permit ng ABS-CBN, bumagal uli ang usad?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Talaga namang minadali noong isang araw ang isang panukalang batas na nagbibigay sa ABS-CBN ng isang provisional permit to broadcast hanggang Oktubre ng taong ito. Noon ding mismong araw na iyon ay pinagtibay iyon ng plenaryo sa second reading. Ang akala ng iba, in the bag na nga ang desisyon.

Hindi pa pala, dahil kailangang dumaan iyon sa third reading bago aprubahan ng mababang kapulungan, at hindi puwedeng mabilisang isang araw lang, dahil hindi iyon pinahihintulutan ng rules maliban kung certified na urgent ng presidente ng Pilipinas.

Ngayon, babalik na naman sila ng simula. Pero sana magawa na nang tama para naman hindi na magtagal ang lockdown ng network.

Derek napagkamalang Kapamilya

Kung sabihin nga nila, ang mga “bashers” at ang mga “mema”, ini-ignore na lang iyan. Ganyan ang sinimulan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na sinusuportahan naman ng kanilang fans. Basta may nabasa silang hindi nila gusto, blocked agad. Tapos sinasabi nila sa mga kasama nila kung sino iyon para mai-block din ng iba pa. Ang paniwala nila kung ganoon ang gagawin ng lahat, darating ang isang araw na wala na tayong mababasang hindi maganda sa social media. Eh naka-block nang lahat ang mga basher eh.

Pero minsan masarap ding mabasa iyong pinapatulan sila at binubuko.

Nag-post ang actor na si Derek Ramsay na balak na niyang ipagbili ang ilang luxury cars na nabili niya at hindi na rin naman niya masyadong gina­gamit. Practical iyon, kaysa nga naman sa naka-garahe lang at hindi naman niya pinakikinabangan.

Aba bigla ba namang sumingit ang isang “mema”, na nagsabi agad na OA naman daw si Derek. Na kasasara pa lang ng network akala mo ay hirap na hirap na nga sa buhay at gusto nang ipagbili ang kotse.

Sinagot naman siya ni Derek, “taga-GMA po ako. Hindi nasara ang network namin.”

May trabaho naman siya talaga. Hindi naman niya sinabing ibebenta niya ang kotse dahil hirap na siya sa buhay. Iyon ay nasabi niya dahil naka-tengga lang naman at hindi niya nagagamit, sayang din naman ang investment niya kung magagamit niya sa ibang bagay.

Tapos bigla na lang may makikialam at sasabihan siyang OA kung mag-react, eh sa totoo lang siya iyong nagre-react nang hindi niya alam ang sinasabi niya.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with