Karla kumilos laban sa cyber bullying
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 17, 2020 - 12:00am

Nanawagan si Karla Estrada sa mga netizen at fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ituloy-tuloy lang ang paglaban sa online bullying. Ito ay kaugnay nga ng inilunsad na campaign ng KathNiel fans na #WeBlockAsOne against cyber trolls.

Matatandaang binanatan ng isang blogger sina Kathryn at Daniel kamakailan dahil sa mga naging pahayag nila para idepensa ang ABS-CBN shutdown.

Nagkaisa ang mga KathNiel fans na i-report ang blogger at labanan ang mga online trolls na umaatake sa mga artista kaya inilunsad nila ang #WeBlockAsOne na naglalayong i-report at i-block ang account ng mga online bullies and trolls.

 Sa kanyang Instagram account ay in-encourage ni Karla ang netizens na makiisa sa kanilang campaign at nang matigil na ang cyber-bullying.

Umaasa si Karla na darating din ang time na hindi na maghahari ang negatibo sa social media.

“Tuloy-tuloy tayo mga momshie! Hindi lang ito para sa akin at sa iyo. Ito ay para sa lahat, artista ka man o hindi.

“Balang araw wala ng mga negatibong tao na maghahari sa social media. Walang mambubully, wala ng maninira ng puri ng kapwa at higit sa lahat wala ng masasaktan, mamamaliit at magmumura mula sa taong hindi mo man lang kaano-ano.

“Darating ang araw na bubuksan mo ang social media mo ng wala nang pangamba na baka masira ang araw mo dahil may pambabastos na kumento tungkol sa pagkatao o opinyon mo.

“Darating ang araw mananaig ang respeto sa pananaw ng bawat isa,” post ni Karla.

Kasunod nito ay nagpasalamat ang ina ni ­Daniel sa buong KathNiel fandom sa pagsisimula ng #WeBlockAsOne campaign.

KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with