Bakit kaya? Daniel pinayuhang iwasan ang tiyuhing si Robin
Bakit kaya? Daniel pinayuhang iwasan ang tiyuhing si Robin
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 16, 2020 - 12:00am

Ang payo ng isang netizen kay Daniel Padilla na dumistansya siya sa uncle niyang si Robin Padilla dahil sa paniwala ng netizen na kontra si Robin sa pagbubukas ng ABS-CBN. At the same time, pinuri ng netizen ang magandang pahayag ni Daniel tungkol sa pagsasara ng Kapamilya Network.

Pinuri rin ni Karen Davila ang ipinunto ni Daniel sa kanyang video message at kinowt pa nito ang part na sabi ni Daniel, “Huwag tayong makalimot na rumespeto sa pinagdadaanan ng iba. Ano bang masama sa manindigan sa sariling kabuhayan at sa kabuhayan ng marami” na para kay Karen ay “napakagandang punto.”

Pero ang naalala namin, hindi nga pabor si Robin na ipasara ang ABS-CBN at ang paulit-ulit nitong binabanggit ay ayusin ng ABS-CBN ang labor dispute sa network.

Pinasalamatan naman ni Karla Estrada si Daniel sa video message nito na marami ang pumuri at sa Instagram nga ni Daniel, mababasa ang pasasalamat nina Angel Locsin, Bianca Gonzalez, Angeline Quinto, Ogie Alcasid, Gary Valenciano at iba pang Kapamilya stars.

Nali-link kay Alden, umayaw agad

Hindi nagtagal ang pagsi-ship ng ilang fans kina Alden Richards at gamer na si Bianca Yao dahil may fans ang aktor. Sineryoso ng ilan hanggang sa na-bash na si Alden pati si Bianca na wala namang kasalanan, good looking lang sila, kinakitaan na bagay at kinakiligan.

Anyway, si Bianca na ang nakiusap na tigilan na ang pagsi-ship sa kanila ni Alden at tigilan na rin ang AlCake love team (AlCake means Alden and Biancake na account ni Bianca).

Post ni Bianca: “I have no intention of ever harming Alden’s career. I am a fan myself and I wish nothing but the best for him. With that, I hope we can stop adding fuel to the fire. I want this to be my first and last post about AlCake. Now it’s time to go back playing video games.”

Samantala, na-tweet ni Alden na ngayong Sabado ang re-opening ng Silang branch ng Concha’s Garden Cafe. Kaya lang, for takeout orders muna, bawal pa ang dining, halos lahat naman ng nasa menu ay available, kaya makakain pa rin ng diners ang gusto nilang food ng resto na isa si Alden sa may-ari.

Still on Alden, nag-tweet ito at humihingi ng dasal at tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ambo. Puwedeng mag-donate sa GMA Kapuso Foundation dahil sa Monday, May 18, may relief distribution sila sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Ambo.

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with