Dennis nagpasalamat sa birthday ni Jennylyn
Perfect example ng second chance relationship itong kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
Imagine, matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan sa unang beses, nang magkabalikan naman eh smooth na smooth na ang naging relasyon nina Dens at Jen hanggang ngayon, huh!
Take note, ginagamit na rin ngayon ni Dennis ang kanyang Instagram account upang ipahayag ang pagmamahal kay Jen lalo na sa birthday niya kahapon.
Naglabas pa ng video si Dennis ng isa sa collaboration nila ng kanta. “This is it!!! Flex ko lang yung mahal ko, dahil araw niya today.
“Happy birthday my love. Thank you for everything, for being in my life, for sharing your life with me and for being you, I love you,” caption ni Dennis sa video.
Pinusuan ni Marian Rivera ang video at ilan sa bumati kay Jen ay sina Carla Abellana, Rocco Nacino, John Lapus, Antonio Aquitania at marami pang iba.
Kapwa may isang anak sina Jen at Dennis sa previous relationship nila.
- Latest