Jennylyn may pa-cake sa kanyang birthday!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 15, 2020 - 12:00am

Nagpasalamat ang ABS-CBN sa Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa pagtatanggol nito sa Kapamilya network.

“Jennylyn Mercado, ipinagtanggol ang ABS-CBN laban sa mga trolls at bashers. Thank you, Jen,” ang post ng Kapamilya Online World sa Facebook kalakip ang mga screenshots ng mga statements ni Jen ng pagtatanggol sa FB.

Unang post ni Jen sa kanyang official Facebook fan page last Wednesday, lahat daw ng opinion ay valid at hindi porke’t hindi ka sang-ayon sa opinyon ng iba ay may karapatan ka nang pagtawanan iyon.

“With all the negativity that is happening in social media, let us all remember to respect each other. All our opinions are valid. Just because you disagree with the opinion of others, doesn’t give you the right to belittle or make fun of anyone.

“Our enemy is not each other, but the virus,” post ni Jen.

May nag-comment na netizen ng “ya the virus not the drama of abs cbn artista. Ampalaya ako bakit ba” at sinagot ito ni Jen.

“Pasensya na po. But you are missing the point. What if you put yourself in their position? Wag po natin gawin katawa tawa ang pinagdaraanan nila. Mali po yun,” sagot ni Jen.

Pagkatapos nito ay muling nag-post si Jen at aniya, dapat daw ay pantay-pantay sa batas.

“Pag sinabing “No one is above the law,” dapat siguraduhin na lahat.

“If anyone violates any guidelines, dapat mabigyan sila ng karapat dapat na parusa na nauukol sa batas, regardless of their position, power, or political influence.

“Lahat tayo ay pantay pantay,” pahayag pa ng aktres.

Ini-screenshot din ng aktres ang komento ng basher na sinagot niya at sa caption ay inilagay niyang hindi welcome ang mga taong nagkokomento ng ganito sa kanyang page.

“People who comment like this are not welcome in this page.

“Bilang tao, dapat nagtutulong tulong tayo na iuplift ang isa’t isa lalo na ngayon na may pinagdadaanan tayong krisis. Hindi yung pagtawanan o ibash ang kapwa.

“Yan ang unang tinuro sakin ni Mama Lydia ko, ang maging mabait sa kapwa.

“No one has any right to be mean to any other human being.

“Nakalimutan na ba natin maging makatao?” pahayag ni Jen.

Kaya naman inirepost lahat ito ng Kapamilya online world at nagpasalamat sa aktres.

Samantala, ngayong araw, May 15 ang kaarawan ni Jen at simple but meaningful ang pagdiriwang sa kanyang bahay. For her birthday ay magbe-bake ang aktres ng kanyang sariling birthday cake.

Happy birthday, Jen!

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with