^

Pang Movies

Derek nagbebenta ng tatlong luxury cars

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Derek nagbebenta ng tatlong luxury cars

For sale na ang tatlo sa luxury cars ni Derek Ramsay!

Inihayag ito ni Derek sa kanyang Facebook page last May 11, kasama ang litrato ng mga sasakyan.

“Time to sell my toys. Message me if interested,” saad ni Derek.

Hindi ordinaryong sasakyan ang ibinebenta ng boyfie ni Andrea Torres. ‘Yung isa ay Aston Martin DB11 at ‘yung isa naman ay Ferrari F12 Berlinetta.

‘Yung isa naman ay Rolls-Royce Ghost, huh!

Type mo bang bumili kahit isa, Salve A? Bongga ka niyan! Ha! Ha! Ha!

(Hahaha. Kaso tito ‘di puwedeng lumabas masyado. Hahaha. Uy sino kayang makakabili niyan? – Salve)

Dingdong at Marian tumutulong para tuluyan nang maiwasan ang covid-19

Katuwang ni Dingdong Dantes ang asawang si Marian Rivera sa pag-click ng camera pagdating sa clip niya sa anti-COVID-19 campaign ng Department of Health at Film Development Council of the Philippines.

“Siya ‘yung nag-click ng camera. Ang galing nga e, kasi parang ang ganda nu’ng tandem namin pagdating sa ganu’n. Ang dali niyang matuto pagdating sa camera,”pahayag ni Dong.

Infomercial ang ginawa ni Dong tungkol sa paglimita ng risks ng virus.

“Yung mga simpleng bagay na gano’n na siguro dati ay tine-take natin for granted ay napakahalaga talaga para makasalba tayo ng buhay,” dagdag na pahayag ng aktor sa infomercial na dinirek ni Pepe Diokno.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with