Paulo hindi alam ng GF kung paano pasasalamatan!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 14, 2020 - 12:00am

Kaarawan pala ni Paulo Avelino kahapon, May 13 at ang sweet ng birthday greetings sa kanya ng girlfriend niyang si Jodie Tarasek.

Nag-post si Jodie ng ilan sa mga memorable moments nila ni Paulo with matching nakakakilig na mensahe.

“Happy birthday to my bestfriend for life. My pimple popper, my translator, my voice of reason. You have the biggest heart, you are passionate and you are so much more than what the world knows. No amount of words can explain how thankful I am that you forced me to be your girlfriend.

“I know you can, will and continue to achieve great things because you are YOU,” ang birthday greetings ni Jodie for Paulo.

Nag-reply naman ang aktor ng kiss emoji sa girlfriend.

Sa kanyang Twitter account ay nagpasalamat si Paulo sa lahat ng mga bumati sa kanya at nagpahayag ng kanyang birthday wish.

“Thank you for all the Birthday greetings! Wala na akong pa-wish sa sarili ko. Ang tanging nais ko ay magkaroon ng pagkain at saya ang bawat pamilyang naapektuhan nitong pandemyang ito at manumbalik ang mga trabaho ng mga kasamahan kong tinuturing kong pamilya!” tweet ni Paulo.

Pagkatapos nito ay nag-tweet ulit siya ng “balik na muna ako sa lungga ko. Di pa tapos social media detox. Mahal ko kayong lahat!”

Ang alam namin ay anniversary rin nina Jodie and Paulo ang birthday ng aktor. Tatlong taon na ngayong May 13 ang kanilang relasyon.

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with