Sharon gustong makipagtuos ng personal sa mga nang-aaway!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 14, 2020 - 12:00am

Isang supporter ni Sharon Cuneta ang sumagot sa basher na nagtanong kung sa ABS-CBN ba talaga at hindi kay Sharon mapupunta ang donation na nalikom sa kanyang online concert last May 10. Sagot ng supporter ni Sharon, hindi kailangang kumuha ng pera ng iba si Sharon dahil milyonarya ito.

Sagot ni Sharon, “@happyblueheart sorry, correction anak: sabi ko pero di yata malinaw. BILyonarya. Since my thirties. Nakakalungkot ang mga minamasama ang pagtulong sa kapwa na galing sa puso. Sabagay ang importante lang naman, ang Diyos ang may alam and the people who really matter to me.”

Nilinaw din ni Sharon na over P5M ang nalikom na pera sa fundraising concert niya at hindi lang ina-announce pa ang iba. Ang naka-post kay Sharon, P2,000,977.38 ang nalikom na donation at hindi pa kasama ang P100,000 na donation ni former senator Jinggoy Estrada.

Nag-comment na rin si Sharon sa mga troll na walang tigil sa pagtu-trolling sa kanya at ibang celebrities.

“Baka respetuhin ko sila kung isa-isa silang HUMARAP sa mukha ko at sabihin lahat ng pinopost  nila. Trolls, gusto nyo pa-appointment sa akin?”

So far, wala pang nagko-call sa dare ni Sharon na makipagkita sa kanya ang trolls at magpa-appointment na. Ang iba nga, nag-delete na ng comment.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with