^

Pang Movies

Garbage collectors unsung heroes sa panahon ng pandemic!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Tuwang-tuwa ako sa kuwento ni Mel na sinabi ng mga garbage collector na happy sila ngayon dahil ibang-iba na raw ang trato sa kanila ng tao.

 Noon daw, basta kukunin lang nila ang basura at aalis na nang hindi napapansin. Pero ngayon daw, merong mga nagbibigay sa kanila ng pangbili ng merienda, pagkain, at kung anu-anong mga bagay tulad ng maliit na alcohol, sabon, mask, at ‘yung iba shirts pa.

Masaya sila dahil para bang ngayon naa-appreciate na ng tao ang trabaho nila.

Kung alam lang nila na mga hero natin sila, na very much appreciated ang trabaho nila, dahil without them, baka mas lalo pang lumala ang pandemic.

They deserve all the love and care we can give now, more than anything, sila talaga ang unsung heroes sa panahon na ito.

Salute to our garbage collectors!

‘Ayokong maging judgmental ’

Hindi ako puwedeng maging judgmental doon sa teacher na nag-post ng hindi maganda at hinuli ng NBI. Sa naging karanasan ko, ewan ko ba kung bakit meron kang moment of madness na biglang mame-mental black out ka at basta gagawin mo na lang ang isang bagay nang hindi iniisip ang magiging consequences.

Sana maging life lesson lang ito doon sa teacher dahil bata pa siya at mahaba pa ang daan na tatahakin niya sa buhay.

Sana rin hindi maging masyadong mabigat ang kabayaran sa nagawa niya, dahil hindi naman siguro ganoon ka-dark ang utak niya para hangarin na mamatay si Papa Digong.

Sayang ang future niya dahil teacher na siya at masisira pa dahil sa nagawa. My heart goes for his pain right now, ‘yung embarrasing moment, takot, at guilt niya. At dahil kasama naman niya ang parents niya, kahit paano may comfort siyang nadarama.

Isa lang lesson, na ingatan ang social media dahil hindi ito laruan, hindi rin ito blackboard na puwedeng burahin agad ang masamang post mo, at lalong hindi ito tool para makasakit ka ng loob ng ibang tao. Lesson learned ito para sa lahat.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with