Alden gusto na uling maging busy
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 13, 2020 - 12:00am

Inip na inip na si Alden Richards na hindi siya nagtatrabaho. Sa Facebook Live ng Eat Bulaga last Monday, sinabi ng Kapuso star na “ito na po ang pinakamahabang panahon na hindi ako nagtatrabaho, hinahanap-hanap ko rin iyong busy schedules ko lagi noon. Pero kailangan po nating sundin ang mga tuntunin ng umiiral na enhanced community quarantine para rin sa ating kapakanan. Sa kabila po nito ay nagpapasalamat pa rin ako sa ating mga frontliners at tulungan natin sila para bumaba na ang mga kaso ng COVID-19.”

Binanggit na rin ni Alden na tulungan natin ang Kabuhayan ni Juan Project ng Eat Bulaga. 

Sa pagbili ninyo ng special DVD ng Silver anniversary ng longest running show, sa halagang P 1,500, magkakaroon na kayo ng memorabilia ng show at makatutulong pa kayo para bigyan ng tulong ang mga dabarkad na nawalan ng kabuhayan dahil sa enhanced community quarantine. Ang mapagbibilhan ng DVD ay mapupunta lahat bilang tulong sa kanila. Gagawin ito ng Eat Bulaga pagkatapos ng ECQ.

Medyo naging emosyonal naman si Alden sa Mother’s Day video message niya sa mga ina particularly sa kanyang Mommy Rio : “Wherever you are, I hope you’re proud of us, your kids, and I love you so much. Walang araw na hindi kita na-miss, and I love you. I love you so much, Ma.”

Janine at Rayver nag-food trip kahit may ECQ

Kinilig ang netizens sa inilabas ng Kapuso couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz na first YouTube vlog na magkasama silang nag-Mukbang or food trip. 

Sa first appearance ni Rayver sa YouTube channel ni Janine, game at masayang sinagot ng dalawa ang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang relationship, like kung saan sila unang nag-meet, saan ang kanilang first date, o kung sino ang unang nagsabi ng ‘I love you?’  Sa bawat maling sagot ay may parusang pitik sa noo.  Kaya patok na patok ito sa mga netizen at nakakuha sila agad ng may 130k views sa loob lamang ng 20 hours mula nang i-upload nila ito. 

Kaya naman bumuhos ang request kina Janine at Rayver para sa Can’t Say No challenge, Girlfriend Does My Makeup challenge at ang TikTok Dance challenge.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with