^

Pang Movies

Maxine kapiling sa birthday ang diver na dyowa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Maxine kapiling sa birthday ang diver na dyowa

Natuwa ang former Miss Universe-Philippines na si Maxine Medina dahil kahit may ECQ, sinorpresa pa rin siya ng kanyang nababalitang boyfriend noong mag-turn 30 years old siya last May 8. Pinost pa ni Maxine sa IG ang naging pa-birthday sa kanya.

Napag-alaman sa kanyang IG Story na ang rumored boyfriend niya ay nagngangalang Timmy Llana na isang diving instructor.

Naging tahimik lang si Maxine sa kanyang lovelife after niyang maki­paghiwalay sa ex-boyfriend niyang si Marx Topacio noong 2018.

Bisexual lovers na sina Ashley Benson at Cara Delevingne, hiwalay na

Sa kalagitnaan ng nagaganap na quarantine ay naghiwalay ang bisexual lovers na sina Ashley Benson at Cara Delevingne.

Two years din ang tinagal ng relasyon ng Pretty Little Liars actress na si Benson at ng supermodel na si Delevingne. They went public noong nakaraang taon. Ayon sa source ng E!, moving on na raw ang dalawa at wala silang plans for reconci­liation.

Nag-move out na raw si Benson sa bahay ni Delevingne at tumutuloy ito ngayon sa isang kaibigan. Pero may nakaalam na after ng hiwalayan, nakitang kasama ni Benson ang mga kaibigan nitong sina Margaret Qualley, Cole Sprouse, KJ Apa and Alex Fine sa isang backyard pool party in Los Angeles.

Tahimik naman si Cara kasama ang ilang mga kaibigan nito.

vuukle comment

MAXINE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with