^

Pang Movies

Kim parang inagawan ng lollipop

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kim parang inagawan ng lollipop

Mahirap din talaga iyong banat nang banat nang hindi inaalam ang issue. Kaya tama lamang na bago bumanat, pag-aralan muna kung ang tunay na issue. Nasabi namin iyan dahil sa kumalat na video ni Kim Chiu, na masasabi mong emote na emote pa habang nangangatuwiran kung bakit ma­ling naipasara ang ABS-CBN. Hindi namin masisisi si Kim Chiu, dahil sino ba naman siya kung wala ang ABS-CBN?

Kaya naman ang nangyari sa kanya, nagngangawa siya na parang isang batang inagawan ng lollipop. Ang sinasabi naman namin, aba dapat naman hindi nila pinabayaang lumabas ang ganoong video ni Kim. Hindi tama iyong basta may isang artistang lumalaban para sa iyo, magmukha man siyang tanga, pababayaan mo. Dapat iyong mga namamahala sa career ni Kim ang naunang kumilos para hindi naman nalagay sa kahihiyan iyong bata.

Hindi kami naniniwalang walang nagmo-monitor sa ginagawa ni Kim. May mga personal manager iyan na dapat pangaralan ang mga iyan kung medyo lihis na sa issue. Eh hindi eh, pinabayaan. Ngayon napapahiya iyong bata dahil kung anu-anong sinabi niya na hindi naman niya alam.

Legit media mas kailangan ngayon

Mabigat ang mga binitiwang salita ng National Artist for Literature na si F. Sionil Jose, na kolumnista rin ng Philippine Star tungkol sa ABS-CBN. Inabot nga niya ang panahong iyon na itinuturing na ang mga nasa oligarkiya ay talagang makapangyarihan, at ang insights niya ay hindi naman maikakaila.

May panahon talagang ang media ay kontrolado ng oligarkiya. Ang mga Roces ang may-ari ng noo’y Manila Times at ng Associated Broadcas­ting Corporation o Channel 5 at lahat ng istasyon ng radyo noon.

Si Don Andres Soriano ang may-ari ng Philippines Herald, nabili naman niya iyon mula sa mga Madrigal. Tapos kasama rin doon ang RMN at IBC noong araw. Ang mga Elizalde naman ang may-ari ng Evening News, The Sun, Channel 11 at lahat ng istasyon ng radyo ng Manila Broadcasting. Ang mga Lopez ang may control sa Manila Chronicle, at CBN, hanggang sa nabili na rin nila ang Alto Broadcasting System mula kay Antonio Quirino.

Talagang ang media noong panahong iyon ay masasabing kontrolado nga ng oligarkiya, at sinasabi nga nilang ngayon, mas malaya ang media dahil wala na sa total control ng mayayaman. Bagama’t may mga kumpanyang ganoon pa rin. Totoo, hindi mo nga masasabing essential ang isang kum­panyang wala namang kinalaman sa produksiyon ng pagkain, o mga gamot, o mga gamit sa edukasyon. Pero ang paniwala namin, kailangan pa rin ang lehitimong media, kaysa sa mapabayaang mamayani ang social media na pinagmumulan ng lahat ng fake news sa panahong ito.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with