^
Meghan at Prince Harry sobrang simple ang pa-birthday sa anak

Meghan at Prince Harry sobrang simple ang pa-birthday sa anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - May 10, 2020 - 12:00am

Nag-celebrate sina Meghan Markle at Prince Harry ng first birthday ng kanilang anak na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor sa isang private home in Beverly Hills, California noong nakaraang May 6.

Nasa Southern California nga ang royal couple at sa Beverly Hills mansion ng actor-director-producer na si Tyler Perry sila pansamantalang nakatira.

Dahil naka-quarantine ang buong California, naging simple lang ang unang birthday party ni Archie. “They are celebrating as a family focused on Archie and being together. They’ll have a smash cake and Zooms with family and friends. It’s been beautiful weather, so perhaps a family stroll with the dogs,” ayon sa report ng Elle.

Nag-share si Meghan ng video via Instagram habang binabasahan niya ng libro si Archie. Para rin ito sa Save the Children UK in support of the Save With Stories initiative during COVID-19.

Habang nasa California sina Meghan at Harry, involved sila sa iba’t ibang charitable organizations na tumutulong sa patients at frontliners ng COVID-19 pandemic. Kabilang na rito ang non-profit na Project Angel Food kung saan nagde-deliver sila secretly ng home cook meals sa ilang pamilya sa neighborhood.

MEGHAN MARKLE PRINCE HARRY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with