^

Pang Movies

GMA naging patas sa ABS-CBN

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ipinamalas ng GMA Network ang pagiging balanse sa pagre-report kaugnay ng on-going issue sa ABS-CBN franchise.

Inilabas ng Kapuso network sa 24 Oras ang paghain ng Channel 2 ng petition for certiorari at prohibition laban sa Cease and Desist Order na inilabas ng National Telecommunicatios Commission.

Pati sagot ng Channel 2 sa pahayag ng FICTAP ay umere rin sa nasabing Kapuso news program. Sa ginawa nito, umapaw ang paghanga sa GMA sa patas nitong pagbabalita, huh! Kakumpitensiya man, ang pagpapadama ng serbisyong totoo ang isinasapuso tuwina ng Kapuso network.

Coco pini-personal

Personalan ang buwelta ng ilang netizens kay Coco Martin. Nang mag-shut down ang Channel 2, naglabas ng tapang si Coco lalo na kay Solicitor General Calida at sa NTC.

Eh alam naman ninyo sa social media. Lumalabas ang pagiging creative ng mga netizen, di ba?

Kumalat sa socmed ang isang meme ni Coco na tila nagtatanong tungkol sa cease and desist order ng NTC. ‘Yun nga lang, pinaglaruan ang diperensiya ni Coco sa pagsasalita lalo na sa words na may letrang S! Kasi nga, may tinatawag na lisp si Coco, huh!

Hindi maganda siyempre ang ginawa kay Coco. Eh malupit minsan ang social media kaya dedma na lang tungkol dito ang aktor.

Please be kind. Mother’s Day pa naman ngayong araw na ‘to!

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with