‘Harapin po natin ang tunay na kalaban’- Juday
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 10, 2020 - 12:00am

“Harapin po natin ang tunay na kalaban. Hindi ho kami ang kalaban. Hindi po ninyo kalaban ang ABS-CBN. Sa panahong ito, dapat tayong lahat ay magkakakampi para makatulong po tayong lahat sa mga taong mas higit na nangangailangan.”

Ito ang mga pahayag ni Judy Ann Santos sa Facebook live event ng ABS-CBN titled Laban Kapamilya last Friday night.

“Kailangan pa ho ba natin madagdagan ang lungkot at pangamba na mayroon na tayo sa pangkasalukuyan?” sabi pa ni Juday.

Hiling ng aktres na sana raw ay magkaisa muna ang lahat para malampasan ang COVID-19 pandemic.

“Ngayong nasa bahay lang po ang mas nakararaming Pilipino para sundin ang utos ng gobyerno, hindi ho ba puwede sa mga ganitong panahon na wala tayong laban sa isang kontrabidang hindi natin nakikita . . . Hindi ba puwedeng magkaisa muna tayo at magtulungan para malagpasan ang epidemyang ito?” 

Kinuwestiyon din ni Juday kung ano na ba ang nangyayari sa proseso ng pagre-renew ng ABS-CBN franchise na kailangang dumating sa ganitong punto na ipatigil sa ere ang network.

“Hindi naman po ako magmamarunong sa batas,” pag-amin ng aktres. “Alam naman po natin at alam na alam ko na ang batas ay batas. At napakaloob sa Saligang Batas ang kapakanan nating lahat. 

“Ang tanong ko lang ho ay simple lang naman. Siguro kahit nga Grade 2 masasagot ito, or kahit Grade 2 ito rin ang tanong -- ano po’ng nangyari sa proseso? At bakit kailangan gawin ito sa ABS-CBN ngayon, sa panahong ito mismo, na lahat tayo ay nasa bahay at kasalukuyang natatakot?”  tanong ni Juday.

Bukod sa aktres ay nagpahayag din ng kanilang sentimyento at sama ng loob ang iba pang Kapa­milya stars tulad nina Coco Martin, Kim Chiu at marami pang iba.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with