^

Pang Movies

Movie nina Kathryn at Alden, malabo nang mapataob pagkatapos ng pandemic

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Movie nina Kathryn at Alden, malabo nang mapataob pagkatapos ng pandemic

Sa nakaraang dalawang taon ay napakaganda ng naging usad ng movie industry sa ating bansa. Bagama’t marami pa ring mga pelikula ang hindi kumikita, at iyan ay ang mga pelikulang maliliit ang budget na tinatawag din nilang indie, nakapag-rehistro naman ang industriya ng all time high sa nakaraang dalawang taon.

Noong 2018, inilabas ang isang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na kumita nang mahigit na walong daang milyong piso. Kita na iyan ng walong pelikula kung may festival.

At sinabi nga noon na iyan na ang bagong record sa industriya. Nilampasan ng pelikula ang kinita ng lahat ng mga pelikulang nauna nang ginawa, at kung ang bibilangin ay ang dami ng taong nanood, panalo pa rin ang pelikula ng KathNiel.

Noong 2019, ang sinasabing all time box office record ay nilampasan pa nang bahagya ng isang pelikula rin ni Kathryn na kung saan ang naging partner naman niya ay si Alden Richards. Umabot sila nang mahigit isang bilyon.

Dahil diyan at sa mga iba pang pelikulang kumita, sinasabing nakakabawi na nga mula sa pagkakalugmok ang industriya ng pelikula, pero dumating ang Covid-19, nagkaroon ng lockdown at ang unang isinara ay ang mga sinehan.

Nadiskaril ang lahat ng mga proyekto, at kung magbukas man ang mga sinehan, hindi pa rin gagawin ang malalaking projects, kasi magpapatupad nga ng social distancing na sinasabing maaaring tumagal ng dalawang taon. Ibig sabihin hindi mapupuno ang mga sinehan. Walang pag-asang kumita nang malaki kung ganoon. Kaya ang sinasabi nila, malamang sa hindi, puro indie na lang ang pagtitiisan natin sa loob ng susunod na dalawang taon, iyon ay kung pagtitiyagaan nga nating panoorin ang mga iyon.

Mga programa ng ABS ramdam sa ANC at social media

Hindi naman pala napakalaki ng epekto kung ang ABS-CBN ay hindi nga napapanood sa kanilang usual channels. Kasi napapanood naman sila sa ANC, at ganoon din sa Teleradyo, at sa kanilang mga website. Iyong mga entertainment shows nila, napapanood pa rin sa internet. Ang dzMM nasa Teleradyo at nasa mga cellphone app. Noong isang araw, nag-report pa nga sila ng halos ilang milyong viewers ng kanilang TV Patrol sa Facebook.

May nagsasabing ang nawala naman ay iyong Sunday mass sa telebisyon ng Channel 2, pero ngayon pumasok naman ang Sambuhay Mass ng Society of St.Paul sa GMA 7. Ok na rin iyon.

Ibig sabihin, kahit na magtagal pa iyang bago nilang franchise, ok lang naman kung iisipin.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with