_pang-masa
^

Cherie Gil, dumaraan noon sa problema nang gawin ang Oro...

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 9, 2020 - 12:00am

Deleted na nga ang tweet ni Bianca Gonzalez na pinangakuan sila ng management ng ABS-CBN na tatanggap pa rin sila ng salary for three months kahit off the air ang ABS-CBN. Nang i-tweet ni Bianca ang tungkol doon, may ABS-CBN employee na kinol ang attention niya at ang sabi, hindi pang public announcement ang tungkol doon. Sinabi lang daw ‘yun ng management sa empleyado ng network pero hindi dapat tinu-tweet o pino-post.

In fairness kay Bianca, binura nito ang nasabing tweet. Pero dahil doon, na-bash si Bianca na mabuti at hindi na sumasagot.

Nabasa namin ang isa sa latest tweet nitong Mahirap pero sinusubukan ko ding gawin: ‘do not  engage” na ang ibig sabihin, pinipigilan niya ang sariling hindi na patulan ang bashers at trolls.

Simple lang ang pinost ni Cherie Gil sa kanyang Instagram account bilang pagbigay pugay sa yumaong film director na si Peque Gallaga.

Ito ay: “SONATA! Our final love letter to each other.” 

Ang Sonata ang huling pelikulang ginawa ni Cherie kasama si Direk Peque Gallaga at Lore Reyes noong 2013.

Nanalo rito si Cherie bilang best actress sa ASEAN International Film Festival in 2015. Bukod sa pagiging mentor at kaibigan, parang ikawalang ama na ni Cherie si Direk Peque.  

Ang yumaong direktor daw ang muling nagbalik ng confidence kay Cherie sa pag-arte nang kunin siya nito para sa role na Trining Ojeda sa pelikulang Oro, Plata, Mata in 1982.    

Noong mga panahon daw na iyon ay dumaraan sa ilang mga personal na problema si Cherie kaya naapektuhan ang career niya.

Dame Judi Dench pinakamatandang cover ng Vogue

Ang Oscar winner na si Dame Judi Dench ang naging oldest cover star ng British Vogue sa edad na 85. Suot ni Dame Judi on the cover ay pink, floral silk organza Dolce & Gabbana trench coat. Sa iba pang photos, suot niya ay isang cream silk Armani Prive tunic.      

Bago magkaroon ng lockdown sa London, nakunan na si Dame Judi para sa June issue ng British Vogue. Kasama nga sa cover story ang kanyang pag-self-isolate sa kanyang tahanan sa Surrey. I am sure I feel like everyone else, such unprecedented times are quite hard to comprehend. What is a good thing is that it has made people aware of the predicament of others who are completely alone. If a great deal of kindness comes out of this, then that will be a plus,» sey pa  ng aktres.  

CHERIE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with