Maine at Kisses magsasama para sa Mother’s Day
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 9, 2020 - 12:00am

Maraming natuwang netizens, especially ang fans ni Maine Mendoza, nang mag-release ang GMA Network kung sino ang bubuo ng kanilang All-Out Sundays – The Stay Home Party, para bukas, May 10 na isi-celebrate ng online show ang Mother’s Day. Ilang linggo na rin, simula ng enhanced community quarantine (ECQ) na naka-online ang show sa Facebook, Twitter at YouTube using the zoom app ang show. 

Tomorrow, special guests ang dalawang All-Star Access actresses Maine Mendoza at Kisses Delavin. Makakasama nila sa Live Streaming sina Betong Sumaya, Ken Chan, Kakai Bautista at ang iba pang All-Out Sundays Barkadas. 

First time lamang ni Maine mag-guest sa show, pero last week, nag-guest na si Kisses. At araw yata ito ni Kisses, dahil after ng live streaming, mapapanood naman siya sa Dear Uge Presents: Viral Maging Judgmental as special guest at 2:30 PM, sa GMA-7.

Cassy at Mavy, nagpasalamat kay Carmina

Since Mother’s Day nga bukas, may touching message naman ang mga anak ni Carmina Villarroel, ang kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy.   Proud daw silang magkapatid na sundan ang yapak ng kanilang ina at ang taos-pusong pasasalamat nila sa kanilang Nanay. Sabi ni Mavy.

Sa kabila ng lahat, very active ang Legaspi family sa pagpapaabot ng tulong sa frontliners at sa mga higit na apektado ngayon ng ECQ at COVID-19 pandemic.

Lotlot at Janine magkalaro lang

Isa rin si Janine Gutierrez na may magandang memories sa inang si Lotlot de Leon ngayong Mother’s Day. Bata pa si Lotlot, 17,  nang isilang niya ang panganay na si Janine, kaya maikli lamang ang kanilang age gap, kaya natatandaan niyang palagi silang naglalaro ng mommy niya.  Kaya nang magdalaga na siya, ang ina ang kanyang naging gabay.  She’s always been amazing and up to now she’s really a source of guidance – living alone, cooking, mga things like that.  I’m so lucky that she’s always one call away. Kaya nang magsimula na akong magtrabaho, ang biggest advice niya was to love your job, to be respectful of the people you work with, at hindi ko iyon kinalilimutan.”

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with