Fans ni Coco nagbasag ng TV sa galit!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 9, 2020 - 12:00am

Nakarating kay Coco Martin ang nag-viral na video kung saan ay makikitang binasag ng kanyang dalawang “solid” fans ang kanilang TV dahil hindi na raw nila mapapanood ang aktor na iniidolo.

Ni-repost ni Coco sa kanyang Instagram account ang video at halatang na-touch ang aktor sa ginawa ng kanyang fans.

Sa caption ay nagpasalamat siya at nangakong papalitan ang sinirang TV ng supporters.

“MARAMING SALAMAT TOL SA IYONG SUPORTA!!! PAG BALIK NAMIN PAPALITAN KO YANG TV MO NG MAS MALAKI PANGAKO KO SAYO YAN!!! PATI MOTOR BIBIGYAN KITA PAGBALIK NA PAGBALIK NAMIN!!! MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG TAONG SUMOSUPORTA AT NAKIKIRAMAY SA AMIN HINDI HINDI NAMIN KAYO MAKAKALIMUTAN!!!” pahayag ni Coco.

Makikita sa video ng isang lalaki ang t-shirt na may larawan ni Coco habang ang isa naman ay hawak ang isang lumang TV. Sa harapan nila ay makikita ang isa pang TV na bagong-bago pa na kabibili lang daw nila’t nasa box pa nga.

Binasag ng isang lalaki ang lumang TV habang ang isa naman ay binuksan ang kabibili lang daw niyang TV. Makikita na naka-seal pa ang kahon ng LG TV. Inilabas niya ito sa box at saka ibinagsak sa sahig. Wasak na wasak ang telebisyon.

“Coco Martin, para sa ‘yo ‘to, p..ina yan! Coco Martin, tingnan mo, Idol, TV namin! O bago itong TV ko, anon’g silbi ng TV ko, walang ABS-CBN!” ang sabi ng lalaki, sabay-bagsak sa bagong telebisyon na inilabas mula sa kahon.

Ang siste, nainggit ang ibang netizens kaya komento nila, magbabasag na rin daw sila ng TV para palitan ni Coco. Hahaha!

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with