Kapamilya fans sa social media nagra-rally!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 8, 2020 - 12:00am

Sina Coco Martin at Angel Locsin ang dalawa sa mga Kapamilya star ang agad nagbigay ng kanilang saloobin sa pagsasara ng  ABS-CBN dahil sa ipinatupad na Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission last Tuesday, May 5, 2020 dahil sa pagka-paso ng prangkisa nito nung nakaraang May 4, 2020.

Napaka-untimely ng pagpapatupad ng CDO ng NTC dahil ito yung panahon na kailangang-kailangan ng publiko ang tulong ng Kapamilya network hindi lamang sa pamamagitan ng news, information at entertainment kundi  dahil sa kanilang walang sawang tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga relief goods sa mga taong nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Ng Pag-ibig.

Ang ABS-CBN ay isa sa malalaking kumpanyang nagbigay agad ng P100-M na donasyon dahil kinakaharap nating Covid-19 pandemic.  Tuluy-tuloy din ang kanilang pangangalap ng donasyon kung saan mahigit P300-M worth of relief goods na ang kanilang naipamigay sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong bukod pa sa mga food packs na kanilang ipinamimigay sa mga frontliners.

Bukod sa krisis na kinakaharap ngayon ng bansa dahil sa Covid-19 pandemic, ang ABS-CBN ay isa sa mga pribadong kumpanya na agarang naghahatid ng tulong sa mga lugar na sinasalanta ng bagyo, lindol, pagsabog ng Taal Volcano at iba pang delubyo.

Masuwerte pa rin ang pamahalaan at naka-impose ang enhanced community quarantine (ECQ) at bawal ang mga mass gatherings, otherwise tiyak na may mga protesta o rally na magaganap bilang pagkondena sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Samantala, ang punut-dulo ng problemang ito ay ang Kongreso na pinamumunuan ni Speaker Allan Peter Cayetano na inupuan lamang ang franchise renewal ng ABS-CBN since last year at hindi binigyan ng importansya.

KAPAMILYA FANS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with