^

Pang Movies

Maraming artista nganga!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi mo naman pala masasabing tuluyang nawala ang ABS-CBN.  Ang kanilang TV Patrol ay mapapanood pa rin sa ANC, na hindi sakop ng cease and desist order ng NTC dahil iyon ay isang cable channel.

Napapanood din sila sa lahat ng kanilang websites, pati na sa iWant. Napapanood pa rin sila sa ibang bansa dahil sa TFC. Iyon nga lang, hindi naman lahat ng tao may cable service. Hindi rin naman lahat may internet. Kaya talagang marami sa mga tao, lalo na nga sa probinsiya ang umaasa sa on the air broadcast.

Pero ang talagang nasapol sa ABS-CBN, ay iyong kanilang mga entertainment programs. Iyon nga ba ang saan mapapanood ngayon? Siguro iyon naman ang dahilan kung bakit todo ang reaksiyon ng mga artista. Sila kasi ang talagang nabura.

Isipin ninyo, sarado ang lahat ng sinehan. Sarado ang mga concert hall. Sarado maging ang mga music lounge at bar. Ngayon nawala pa ang ABS-CBN, eh saan nga naman kukuha ng ikabubuhay ang mga artista riyan. Posible ba silang makasama sa SAP ng gobyerno ngayong jobless na sila?

Pero ang labang iyan ay legal. Hindi dapat dinadaan sa emosyon. Mukhang tama ang mga sinasabing ang nagkulang diyan ay ang kongreso. Matagal nilang inupuan ang mga pending bills, kasi naghihintay sila ng senyas mula sa Malacañang kung ok ba o hindi. Eh medyo delayed naman ang sinabi ni Secretary Harry Roque na neutral” ang presidente sa mga bagay na iyan. Naipasara na ang ABS-CBN nang sabihin niya iyon.

Ano ngayon ang sasabihin ni Speaker Alan Peter Cayetano?

Hindi dapat sisihin ang NTC eh, kasi nagpatupad lang sila ng batas. Hindi ninyo masasabing bakit noon may pinayagan silang iba”. Tandaan ninyo, iba ang mga tao sa NTC noon at marahil iba ang kanilang interpretasyon sa umiiral na batas noon at iba naman ngayon.

Ngayon kailangang kumilos ang mababang kapulungan ng Kongreso, kasi ngayon maski congressmen, sinisisi ang kapulungan nila.

Angel sa Dos nakilalang aktres

Hindi naman masasabing nawalan ng trabaho si Angel Locsin kasi hindi naman siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, kaya kung nasara man iyon, ano ang problema niya?

Pero hindi raw nakapagpigil at humagulgol si Angel nang malamang ipinasasara na ang ABS-CBN. Kasi kahit na nga sabihin mong sa GMA 7 siya nagsimula at sumikat dahil sa Mulawin, aba mas kinilala naman siyang isang aktres matapos na lumipat sa ABS-CBN.

Iyan ang isang magandang bunga ng ABS-CBN. Kung iyan bang si Angel ay hindi nila nagawang isang respetadong aktres, makakalikom kaya iyan ng 11 milyon para tulungan ang frontliners sa Covid-19?

Nakatulong kaya iyan nang ganoon noong sumabog ang Bulkang Taal? Nakatulong kaya siya nang ganoon kalaki noong panahon ng Yolanda. At hindi lang si Angel, maraming ibang stars na pinasikat ng ABS-CBN na nakatulong sa relief operations sa maraming kalamidad sa maraming panahon.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with