^

Pang Movies

Regine bumuwelta sa bashers!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Regine bumuwelta sa bashers!

Naglitanya nang bonggang-bongga si Regine Velasquez sa mga taong natutuwa sa pagsasara ng ABS-CBN.

Bakit ka nagbubunyi na maraming mawawalan ng trabaho??? Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin??” bungad ni Regine sa kanyang latest Instagram post.

Patuloy ng Asia’s Songbird, sayo trabaho lang to sa amin kabuhayan to. Maraming pangarap na hindi matutupad dahil dito. Pero ang saya saya mong pinagdiriwang ang pagdadalamhati namin. Ano na ba ang nangyari sayo?? Hindi mo na ba alam kung pano makiramay??

Oo may opinyon ka tungkol dito may mga hindi ka gusto sa palakad dito bagamat hindi ka naman naging parti ng pamilyang ito at hindi mo naman alam ang totoo. Pwede naman sigurong manahimik muna diba?? Kabawasan ba sa pagkatao mo kung maki simpatya ka??”

Ayon pa kay Songbird, hindi habang-buhay ang pananahimik ng ABS-CBN at babalik daw sila na mas malakas. Sa totoo lang, ang pagkawala namin sa ere pwede pang hanapan ng sulusyon. Ang mga mawawalan ng trabaho pweding humanap ng ibang pagkakakitaan mahirap pero kaya naman. Pero nais naming manatili dito dahil una ito na ang buhay namin at dito tinuring kaming totoong kapamilya. Lahat ng problemang kinakaharap namin kayang mahanapan ng sulosyon sa awa ng Panginoon. Ang pananahimik namin ay hindi habang buhay babalik kami na mas malakas at mas maingay.

Pero Ikaw na hindi na marunong makiramay, ikaw na hindi na alam kung pano pa maging mabuting tao,ikaw na napuno nalamang ng puot,ikaw na nalimutan nang MAGPAKATAO.......

Pagkatapos ng mga pagsubok na ito mag babalik kami na mas maningning. Pero ikaw hangang dyan ka na lang.

Sa katulad mong walang awa,sa katulad mo na ikinatutuwa ang paghihirap ng iba WALA KA NANG PAGASA!!! Naaawa ako sayo dahil pinili mong manatili sa mondo mong maliit pinili mong mag pakain sa sistema. Gayun paman ipagdatasal parin kita na sana mahanap mong muli ang iyong puso. God bless Po,” pahayag pa ni Songbird.

May mga nagtatanong kung may specific person bang pinatutungkulan si Regine pero feeling naman namin ay wala kungdi para ito sa lahat ng mga bashers and haters na natutuwa sa pagsasara ng network.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with