^

Pang Movies

Miss Universe PH tuloy, nakipag-partner sa hospital

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa ECQ, maraming big events ang kailangan ma-postpone, kabilang na rito ang pag-launch ng Miss Universe Philippines (MUP) na sana ay noong May 4 naganap ang coronation.

Pero inurong nila ito to June 14 noong unang i-implement ang ECQ sa buong Luzon. Dahil sa maraming kailangang ayusin, tulad ng pagsiguro na safe ang kalusugan ng 51 MUP delegates, muli nilang inurong ang coronation at sa October 2020 na nila ito gagawin.

Ayon pa sa MUP Creative Director Jonas Antonio Gaffud: “Pageant enthusiasts can expect a more dynamic role of young women leaders around the Philippines. We also promise the final show in October will be one of a kind.”

In regards sa safety sa kalusugan ng kanilang delegates, nakipag-partner ang MUP with St. Luke’s Medical Center bilang health care provider nila.

Sa mga gagawin na activities ng delegates, may tititingin sa kanilang kalusugan parati. May health insurance din ang bawat delegates just in case na merong ma-infect ng CO­VID-19 virus.

Ayon pa sa MUP National Director Shamcey Supsup-Lee, sisiguraduhin nila na ang lahat ng delegates ng 2020 Miss Universe Philippines ay handa at susunod silang lahat sa tinatawag na new normal.

Sa final competition ng MUP, wala raw live audience at ang delegates ay magsusuot ng face masks na tatanggalin lang nila kapag nasa stage na sila. Wala rin daw stage groupings at agad na papauwiin ang delegate after nilang mag-present sa entablado.

Bukod sa pageant, naging abala rin ng MUP ay ang pag-raise ng funds para sa pagbili ng PPEs na ipinamahagi nila sa maraming frontliners sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila.

Nagkaroon din sila ng food drive kung saan nag-provide sila ng health meals para sa mga sundalo, security guards, policemen at iba pang nagbubuwis-buhay na frontliners.

vuukle comment

MISS UNIVERSE PH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with