Solenn nagsalita sa ups and downs nang maging mommy
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 7, 2020 - 12:00am

Inamin ni Kapuso actress Solenn Heussaff na may mga ups and downs din siyang pinagdaanan noong ipinagbubuntis niya ang kanilang baby girl ng husband na si Nico Bolzico, si Thylane and after four months, nagsi-share na siya ngayon ng kanyang pagwu-workout sa  mommies na tulad niya ay kapapanganak lamang. 

Ipinakita rin ni Solenn sa kanyang Instagram story ang bikini cut mula sa kanyang caesarean section cut at visible pa rin ang kanyang linea nigra. 

Hopefully raw ay ma-inspire rin niya ang ibang mommies na tulad niya na bumalik sa pagiging active and fit after giving birth. 

Sa ngayon, hands-on sila ni Nico sa pag-aalaga kay baby Thylane.

Drew balik sa pamamasyal

Summer ngayon at kung wala tayong enhanced community quarantine (ECQ), tiyak na kung saan-saang tourist destinations na tayo nagbabakasyon.  Don’t worry, pwede naman ninyong makita ang mga lugar na gusto ninyong puntahan, sa loob ng inyong mga tahanan.  Twice a week, pwede ninyong mapanood ang travel show ni Drew Arellano, ang Biyahe ni Drew na nagpi-feature ng magagandang lugar at ang masasarap nilang pagkain doon, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa iba pang lugar abroad.

Bukod sa GMA News TV, pansamantala ring mapapanood ang Biyahe ni Drew sa GMA-7 at magkaibang lugar ang ipi-feature ni Drew.  Every Friday  sa GMA News TV at 8PM at pagkatapos sa GMA-7 at 11:30PM.

Online shows dumarami na

Mukhang nasasanay na ang ating mga televiewers sa pagpanood ng online shows, dahil hindi pa makabalik sa taping ng mga teleseryes.  Kaya ang GMA Artist Center, bumuo ng mga bagong online shows, titled #ArtistHideout! na mapapanood sa kanilang Facebook at YouTube channel.

Today Thursday, mapapanood ang Yummy Thursday to be hosted by Arra San Agustin at 3PM.  Nauna rito ang Parekuys at 8PM tuwing Martes at Wednesday Coolitan hosted by Tetay O­campo, at 3PM.

Two weeks lamang silang mapapanood at susundan naman ito ng ibang shows ng GMAAC artists, isa rito ay tatampukan ni Alden Richards.

SOLENN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with