Depresyon ni Enrique nagamot ni Liza
Depresyon ni Enrique nagamot ni Liza
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 7, 2020 - 12:00am

Na-experience raw ni Enrique Gil ang magkaroon ng feeling of depression na noong una ay hindi niya raw alam kung paano i-handle.

Mabuti na lamang daw at psychology ang kanyang girlfriend na si Liza Soberano, kaya nauunawaan siya nito.

Dahil sa pag-unawa sa kanya ni Liza, hindi nauwi sa mental illness ang kanyang nararamdaman. Nababanggit niya kay Liza ang mga bagay-bagay na kanyang nararamdaman.

Through Liza’s help ay na-overcome niya ito.

Bago ang lockdown ay busy sina Liza at Enrique sa taping ng kanilang series na Make It With You.

Assunta smooth ang pagbubuntis

Pregnant with what she considers a ‘miracle’ baby sa edad na 37 si Assunta de Rossi.

Siya ay 19 lamang nang makasal sa former Neg­ros Occidental Congressman at isang haciendero na si Jules Ledesma noong December 14, 2004.

May dalawang anak si Cong. Jules, a boy and a girl, with his first wife.

Parang sariling anak na ang turing ni Assunta sa mga anak ni Cong. Jules.

Assunta describes her pregnancy smooth and easy. Exactly three months na ang kanyang dinadala.

Buntis din sa kanyang first baby si Coleen Garcia na ikinasal kay Billy Crawford, two years ago.

Five months ang kanyang dinadala. At wala pa raw siyang ideya kung babae o lalaki ang magiging panganay nila ni Billy.

Samantala. Pregnant naman sa kanynag third baby si Isabel Oli who became Mrs. John Prats last 2015. Three years old na ang kanilang panganay na si Lily Feather. Si Freedom naman na second baby nila ay two years old.

Ano kaya ang ipapangalan nina Isabel at John sa kanilang third child?

Angelica at JM magbibida sa movie kahit lockdown

Magkakaroon ng reunion project sina Angelica Panganiban at JM de Guzman na may tentative title na Love Lockdown.

Ito na ang second team up ng dalawa na unang nagkasama sa That Thing Called Tadhana noong 2015 na idinirek ni Antoinette Jadaone.

It was a lovable movie produced by Ronald Arguelles, Cinema One film producer. It was nominated at Moscow Film Festival for Best Film.

Bago ang lockdown ay napapanood si Angelica sa Banana Sundae at si JM naman ay sa Pamilya Ko.

ENRIQUE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with