^

Pang Movies

Derek hindi makalimutan nang atakihin ng hika

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Derek hindi makalimutan nang atakihin ng hika

Miss na miss na ni Derek Ramsay ang girlfriend na si Andrea Torres, lalo pa at kahapon,  May 4, ay birthday ng actress.

Kaya bago pa ang birthday ni Andrea, nag-post na siya ng message sa kanyang Instagram: “HAPPY BIRTHDAY!! @andreatorres – I know tomorrow is your actual birthday but I want to be the first to greet you.  It saddens me that I can’t be there with you to celebrate but after the quarantine we will definitely do something ok. Love you.”

Umani ng maraming likes ang birthday greetings ni Derek na ikinaiyak ni Andrea at sagot niya Thank you everyone ‘still crying’ haha!”

Inabutan si Derek ng lockdown sa house niya kasama ang anak na si Austin at ang kanilang maid sa Manila. Nasa Pasay City naman si Andrea with her parents. Ang parents ni Derek ay nasa bahay nila sa Tagaytay kaya hiwa-hiwalay sila. 

Kaya iniyakan ni Derek ang insidenteng inatake siya ng asthma at wala siyang gamot sa bahay. Ikinagulat niya nang dumating sa bahay niya ang daddy niya, dala ang gamot na nabili raw ng mom niya sa botika sa Tagaytay.  Ikinatakot niya ang pagdating ng daddy niya dahil senior na ito, 77 years old, at bawal ngang lumabas sila ng bahay.  Ang daddy raw niya ang nag-drive mag-isa ng car, ni hindi raw niya nayakap ang ama dahil sa social distancing, after five minutes na nagkausap sila, umalis na ang dad niya, hinding-hindi raw niya malilimutan ang insidenteng iyon.

Gabby hindi pinoproblema ang lockdown

Bilang na bilang naman ni Gabby Concepcion kung ilang araw na siyang naka-lockdown sa kanyang vacation house sa Lobo, Batangas. At mukhang hindi siya nag-aahit ng balbas dahil nakikita sa mga Instagram posts niya na humahaba na rin ang buhok niya at biro niya buong katawan na raw niya ay tinutubuan ng buhok.

Pero hindi naman siya nalulungkot mag-isa dahil nagagawa niyang pasyalan ang kanyang farm at namimitas siya ng fruits, isa sa paborito niyang kainin ang sa­ging saba.  Hindi rin problema sa kanya ang pagkain, dahil may palaisdaan siya roon at ini-enjoy niya ang air and sunset sa kanyang Amang Lobo house.

Hinihintay na rin ni Gabby ang pagri-resume nila ng taping ng First Yaya na nasimulan na nila ni Marian Rivera, nang biglang i-declare ang enhanced community quarantine last March 17. 

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with