^

Pang Movies

Kalyeserye ibabalik!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kalyeserye ibabalik!

Nabitin yata ang fans ni Alden Richards sa first Instagram Live Kwentuhan at Kumustahan last April 29, kaya uulitin niya ito today, Sunday, May 3, na tinawag niyang Feel Good Sunday at sabi ni Alden, sasamahan tayo ni Fr. Jeff ngayong Linggo sa ating Instagram Live, May 3, 4PM.” 

Si Fr. Jeff Quintela ay spiritual adviser ni Alden at madalas na siyang napapanood noon pa sa Eat Bulaga noong time ng Kalye Serye nina Alden at Maine Mendoza (Yaya Dub).

Malalaman kaya kay Alden ang sagot sa tanong ng AlDub fans kung totoong iri-replay ang Kalye Serye episodes, with live chat sa kanila nina Maine at ng mga lolas played by Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros? 

Piolo ngayon lang naalagaan ang nanay

Inamin ni Concert Queen Pops Fernandez na bitin na bitin na siya muling magtrabaho after nahinto nga pansamantala ang kanilang musical competition for kids, ang Centerstage na isa siya sa judges, with international actress-singer Aicelle Santos and musical director Mel Villena hosted by Alden Richards at journey host si Betong Sumaya.  Nasa kainitan na kasi ang musical competition na kung hindi sa COVID-19 pandemic ay baganapin ang grand finals sa May 31.

Kaya para malibang, may Facebook Live si Pops at nag-iinterbyu siya ng celebrities.  At ang latest niyang nai-share na interview ay kay Piolo Pascual na ngayong nasa enhanced community quarantine ang Luzon, ay nasa kanya palang rest house sa Batangas pro­perty niya at kasama ang inang si Amelia Pascual. Masaya raw si Piolo na naalagaan niya ngayon ang Mommy niya na hindi niya nagagawa noon dahil busy siya sa work niya. 

Pero kahit naka-lockdown si Piolo sa Batangas, patuloy siya sa pagbibigay ng tulong sa mga frontli­ners sa mga pangangailangan nilang medical.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with