Princess may nakahandang career sa Hollywood pagkatapos ng lockdown
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - April 30, 2020 - 12:00am

Walang mag-aakala na matutupad ng L.A. based actress na si Princess Punzalan ang kanyang Hollywood dream dahil may nakatakda siyang simulan na Hollywood movie kapag na-lift na ang lockdown dahil sa coronavirus (Covid-19) pandemic.  Ang kanyang first Hollywood project ay may pamagat na  The Interview kung saan siya gaganap na isa sa mga officer na mag-i-interview sa mga foreign nationals na nagnanais na magkaroon ng green card o ‘di kaya ay maging American citizen.

Meron nang sariling American agent at talent manager si Princess. Si Aileen Bailin ng Connect Entertainment Group ang kanyang tumatayong agent habang si Brandon Cohen naman ang kanyang talent manager ng BAC Talent.  Si Billy Hufsey naman ng Billy Hufsey School of Performing Arts in L.A. ang kanyang acting coach.

Ayon kay Princess, dati umano silang nakatira sa San Diego, California kasama ang kanyang American husband na si Jason Field at almost 6 years old daughter na si Ellie.  Pero dahil sa acting career ni Princess ay nag-move sila sa Los Angeles, California para mas malapit sa mga audition.

Si Princess ay isang registered nurse sa Amerika pero hindi siya pumapasok ngayon dahil nakatutok siya sa pagtuturo sa kanyang anak na si Ellie ngayong matagal nang walang pasok sa school dahil sa coronavirus.

Thankful si Princess sa pagiging supportive ng kanyang American husband na si Jason na nakilala niya sa Pilipinas through a common friends hanggang sa ito’y mauwi sa kanilang pagpapakasal ng civil wedding rites sa Cavite nung May 5, 2005 na sinundan ng kanilang Christian beach wedding sa Boracay nung May 14, 2005.

Dating diplomat assigned in Manila ang (second) husband ni Princess na si Jason na isa na ngayong Marketing Specialist. After their wedding in 2005 ay nag-move na sila sa Amerika.

On May 5 ay ise-celebrate ng mag-asawang Princess at Jason ang kanilang 15th wedding anniversary.

Samantala, kahit matagal nang hiwalay at annulled ang marriage ni Princess sa una niyang mister, ang game show host-producer at businessman na si Willie Revillame ay nananatili pa rin umano silang magkaibigan. Katunayan, nagkita pa umano sila nitong nakaraang January 2020 nang umuwi ng Pilipinas si Princess para dumalo sa wedding ng kanyang pamangkin. “I’m happy for him,” ani Princess.

PRINCESS PUNZALAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with