Mother Lily hindi na itutuloy ang ibang movie ng Regal
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 29, 2020 - 12:00am

Home lang daw si Mother Lily Monteverde, since na-imposed ang enhanced community quarantine (ECQ).

Di ba siya naiinip? Tanong namin kay Mother, nang tumawag siya sa amin three days ago.

“I do,” sagot niya, “Pero, sa kabutihan din naman nating lahat ang stay home policy na ito ng gobyerno.”

Well, kung sabagay.  Nanghihinayang lang daw si Mother Lily na hindi matutupad ang balak niya  sanang mag-produce ng 14 films this year. Kasama na rito ang Mother’s Day presentation niya tuwing buwan ng May.

As it is, may two film na raw sana siyang isu-syuting, kung hindi sa biglaang pagdating ng pandemic na COVID-19. One of which would have starred Joshua Garcia, his first sana to work for Regal Entertainment.

Joshua malabong ma-in love kay Janella

Tungkol kay Joshua, wish niya raw na ma­ging kaibigan ni Janella Salvador, with whom he worked with in the series, The Killer Bride.

Pero, wala raw siyang balak ligawan ito, dahil obvious na alam niyang may iba nang napupusuan si Janella. Ang promising actor na si Markus Paterson, we heard.

Ate Vi birthday wish kay Luis ang apo

Lipa City Representative Vilma Santos-Recto’s birthday wish for son, Luis Manzano, who turned 39 noong April 21, is for him not to change. To always remain the good person na kilala sa anak.

Yes, she brought him up well, said Ate Vi. Kaya, proud siya sa anak.

Of course, nandun pa rin ang wish niyang ma­bigyan na siya ni Luis ng apo. At 39, dapat lang na mag-asawa na siya.

In all fairness, nananatiling stable ang relasyon nina Luis at Jessy Mendiola.

Dad ni Luis of course, is actor Edu Manzano.

MOTHER LILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with