^

Tom may pa-art session sa mga bata!

Gorgy Rula (Pang-masa) - April 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sobrang napakinabangan ang talent ni Tom Rodriguez sa pagpipinta ngayong nasa gitna ng Enhanced Community Quarantine.

Sinimulan ito sa pagsali niya sa Guhit Pantawid na binuo ng isang kaibigan at may ilan na ring painters na sumali rito na kung saan ang kikitain sa mga kinumisyon na sketches nila ay napupunta sa mga nangangailangan gaya ng street vendors, PUV drivers at construction workers.

Deretsong napupunta raw sa kanila through G-Cash ang nalikom na pondo na umabot na ng mahigit 100 thousand pesos. Actually, marami pa sana gustong sumali sa programa na nasa ibang bansa, saka yung mga nandito na hindi makatulong dahil GCash lang po ang available eh.

Eh karamihan po sa mga tinutulungan namin ay wala talagang bangko. Sa GCash lang sila nakakatanggap ng ayuda,” pahayag ni Tom nang nakapanayam namin sa Showbiz Talk Ganern sa DZRH nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Natutuwa si Tom kapag nakita raw sa Facebook account ng kanilang program ang mga taong nakatanggap ng tulong mula sa kanilang Guhit Pantawid.

Bukod pa rito, tuluy-tuloy din ang pagtulong niya na kung saan nagtuturo naman siya sa Art Session sa mga batang inaalagaan ng SOS Children’s Village.

Ngayong araw raw siya magsisimula sa pagtuturo sa Art Session para meron daw mapagkaabalahan ang mga bata habang naka-quarantine rin sa SOS Children’s Village na nag-aaruga sa kanila.Kinausap kami ng SOS Children’s Village, isang NGO siya na nagpu-provide ng alternative care sa mga abandoned children at mga orphan.

Naka-lockdown sila at marami silang villages dito sa Pilipinas na marami silang mga bata at gusto nilang magkaroon ng art seminar, para ma-empower sila sa mundo ng sining.

Naka-lockdown kasi ang mga batang inampon nila. Naisipan nilang i-introduce ang mga bata sa sining. By the end of the program na gagawin ko sa Monday, tuturuan ko silang mag-drawing, gagawa sila ng mga greeting cards o thank you cards para sa mga tumatayong nanay nila doon sa village.

May ka-partner din sila na gagawin ding card na puwedeng bilhin sa mga tindahan. Parang insurance company yata yung ka-partner nila,” saad ng actor.

Kaya pinag-iisipan na ng Kapuso hunk actor na magpa-One-Man Exhibit dahil madami-dami na rin daw siyang naiipong mga painting na oil, acrylic, watercolor at ibang sketches.

Dati raw kasi ay natatakot pa siyang magpa-exhibit, pero ngayon ay baka puwede na raw. May mga ilan nang nagtanong sa akin, Dati natatakot ako, pero ngayon parang gusto ko na siyang subukan.

So ngayon habang naka-lockdown kapag matapos ko na yung Guhit Pantawid, makapag-umpisa na uli akong magpinta sa canvas, sa mga oil at water color paintings, at sa acrylic.

Baka makakuha ako ng isang tema, baka next year o this year mangyari din,” saad ni Tom.

Natutuwa siyang nandiyan ang ‘love of his life’ na si Carla Abellana na todo ang suporta at inspirasyon sa kanya.

Nai-inspire ako sa kanya (Carla) lagi. Katulad ngayon sa mga tulong na ginagawa niya, kaya ako na-inspire na mag-volunteer sa Guhit Pantawid nakikita ko siya mismo na marami siyang ginagawa na tahimik lang.

Kaya minsan nagi-guilty din ako pag nakita ko siya. Kaya naenganyo ako na mas maging productive din at try makatulong,” pahayag ni Tom.

TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with