Jasmine nakikipaglaban sa anxiety at loneliness!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 27, 2020 - 12:00am

Na-challenge si Kapuso actress Jasmine Curtis Smith sa kasalukuyang nagaganap na enhanced community quarantine (ECQ), dahil mag-isa lamang siya sa kanyang bahay.  Wala pa rin ang Ate Anne (Curtis) niya dahil sa Australia  isinilang nito ang first baby nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie. Kasama ni Anne ang mommy nila sa Melbourne. 

Paano siya nag-cope up na mag-isa lamang siya? If I can be honest, nitong last weekend, medyo umiikot na yung utak ko, anxiety started na parang ‘pag mag-isa ka, ‘yung challenge is mabato ka sa pagiging mag-isa mo, that definitely sparks anxiety and loneliness. Habang nagtatagal, lalo ko silang nami-miss. Pero ngayon, inaaliw ko na lamang ang sarili ko sa regular na pakikipag-usap sa kanila, si Ate Anne at ang mommy ko. Saka miss na miss ko na ring bumalik sa trabaho. Nami-miss ko na ang cast ng DOTS Ph, dahil kahit medyo mahirap ang mga eksena namin, napapagaan dahil naroon kaming lahat, nagtutulungan at nagkakasayahan, sabi nga walang dull moment. Pero sa ngayon, stay at home and stay safe tayong lahat.”

Baeby Baste ipinagdarasal ang amang bumalik sa pagiging frontliner

Sa kabila ng batang edad ni Baeby Baste, isa sa mga host ng Eat Bulaga, alam na niya ang responsibilidad ng kanyang amang pulis mula sa Philippine National Police, na kilala sa tawag na Papa Sol. Katatapos lamang gumaling ni Papa Sol pagkatapos niyang maging isa sa mga pulis na naging positibo sa COVID-19.

Kahit miss na miss na nila ang kanilang ama, alam nilang kailangang bumalik pa rin nito sa serbisyo bilang isang frontliner.  Kaya nagpaabot ng dasal si Baste sa ama at sa iba pang frontliners. Lord kayo na po ang bahala sa Papa Sol ko at sa iba’t ibang frontliners sa buong mundo. Alam ko po di N’yo po sila pababayaan. Kaya please lang Lord, i-protect po N’yo sila kasi sobrang dami pong naghihintay sa kanila, mga families nila. Saludo po kami sa inyo. In our own little way, sana po ay makapagbigay ng ngiti po ito sa inyo... ipag-pray ko po kayong lahat.”

Sa kabila nito, patuloy pa rin si Baeby Baste at ang mommy Shiela niya sa pagpapaabot ng food at medical supplies sa mga PNP frontliners.

JASMINE CURTIS SMITH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with