Jodi hindi na priority ang lovelife
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - April 25, 2020 - 12:00am

Priority ngayon ni Jodi Sta. Maria ang kanyang teen-age son (sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson) na si Thirdy, ang kanyang career at maging ang pagtatapos ng kanyang pag-aaral.

Unlike nung unang break-up nila ng kanyang dating mister na si Pampi na nauwi sa kanyang pagbibisyo sa sigarilyo, alak at droga, ngayon ay kontrolado na ng aktres ang kanyang sarili sa sitwasyon tulad ng paghihiwalay nila ni Jolo Revilla na may asawa na rin sa kasalukuyan.

Thankful si Jodi sa magandang takbo ng kanyang career at pagiging mabait at masunuring anak ni Thirdy.  Maganda rin ang relasyon ni Jodi sa kanyang ex-husband na si Pampi maging sa partner nito ngayon na si Iwa Moto at anak nilang si Eve na magsi-seven years old na sa darating na September.  Very close din si Thirdy sa kanyang dad, step-mom at half-sibling na si Eve.

Hindi man natupad ang pangarap ni Jodi na maging doctor, pursigido naman siyang tapusin ang kanyang Psycho­logy course sa Southville International School and Colleges where she is on top of her class at consistent Dean’s lister.

Samantala, hindi ikinakaila ni Jodi na malaking tulong sa kanya ang veteran actresss na si Coney Reyes sa kanyang pagiging malapit sa Diyos nang siya’y yakaging maging bahagi ng Victory church.

Ronnie, si Loisa na ang gustong mapangasawa

Nakakatuwa ang birthday greetings ng Hashtag member-actor na si Ronnie Alonte sa kanyang kasintahang si Loisa Andalio sa kanyang Instagram account dahil nakasulat ito in Spanish, “Feliz compleanos a mis futura esposa” na ang ibig sabihin ay “Happy birthday to my future wife”.

Ang ex-PBB housemate-turned member ng all girls dance group na GirlTrends at actress ay nag-21 nung nakaraang Martes, April 21 na siya ring kaarawan ng TV host-actor and celebrity endorser na si Luis Manzano.

JODI STA. MARIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with