Anak ni Echo, mas matangkad na sa kanya
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - April 24, 2020 - 12:00am

Mas matangkad na ‘di hamak ang 19-year-old son ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales na si Santino Rosales sa kanyang ama dahil may taas na ito na 6’1”.

Si Santino ay anak ni Jericho nung binata pa siya sa dating modelong si Kai Palomares.

Hindi man lumaki si Santino sa kanyang ama, super close ito kay Jericho at madalas mag-bonding ang dalawa kapag libre pareho ang kanilang respective schedules. Bukod sa surfing, sabay din silang nagdyi-gym.

Parehong mahilig sa surfing ang mag-amang Jericho at Santino. Bukod sa surfing, ang iba pang pinagkakaabalahan ni Santino bukod sa kanyang pag-aaral (college na siya) ay ang football at modeling na minana niya sa kanyang inang si Kai. 

Ngayong May 1 ay 6th wedding anniversary nina Jericho at wife niyang si Kim Jones pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak.

Malapit si Santino sa kanyang step-mon na si Kim at kaibigan din ito ng kanyang mom na si Kai. May pagkakataon pa ngang sabay-sabay silang apat na kumakain sa labas.

Ngayon ay wala silang chance na magkita dahil nga sa ECQ.

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with