^

Pang Movies

Pia at bagong dyowa, nagpakilig!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Miss na miss na raw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang magtampisaw sa dagat.

Paboritong puntahan ni Pia ang beach lalo na kapag gusto niyang mag-relax dahil sa sunud-sunod na trabaho.

Pero dahil sa ECQ (enhanced community quarantine), hindi nga magawa ni Pia ang bumiyahe sa paborito niyang beach resort sa Boracay. Kaya naman ang puwede lang gawin ni Pia ay ang pagpantasyahan ang pagpunta sa beach.

Tawag niya rito ay virtual vacation at the beach.”

Break muna. Close your eyes and imagine nasa beach na tayo. A virtual vacation will do for now. Hanggang #throwback muna tayo guys,” post ni Pia sa Instagram.

Maraming followers ni Pia sa IG ang kinilig sa comment na beautiful” sa kanyang post ng nababalitang boyfriend niya na si Jeremy Jauncey.

Heto ang ilang reaction ng netizens:

Kilig talaga ako sa dalawa na ‘to. Di bale ng walang jowa basta sila magkatuluyan.”

Grabe, pareho silang pinagpala. Both good-looking, brainy, at successful in their respective careers pa. Bagay na bagay!”

Ang swerte naman ni boy. Super ganda at bait ni Pia.”

Rocco nilalambing ang mga aso pag nami-miss ang girlfriend

Dahil hiwalay physically si Rocco Nacino sa kanyang girlfriend na si Melissa Gohing dahil na ECQ, binubuhos na lang ni Rocco ang kanyang paglalambing kina Valentine, Arrow, at Cloud. 

Sila ay ang mga Corgi dogs ni Rocco na nagpapasaya sa kanya habang wala pa siyang trabaho.

Na-realize nga ng aktor na sa sobrang busy niya noon, hindi niya napansin na nawalan siya ng panahon sa kanyang mga fur baby.

Ngayon ay tine-take advantage ni Rocco ang pagkakataon na maka-bonding ang kanyang mga alaga. Buong araw nga niya kasama ang mga ito mula sa paggising niya, pag-workout, pag-ikot-ikot sa bahay hanggang sa matapos ang buong araw.

Bilang isang ring Philippine Navy reservist at frontliner, sumasama rin si Rocco sa paghatid ng tulong sa mga nangangailangan sa panahon ngayon.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with