^

Online concert, mas magiging in demand na

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 23, 2020 - 12:00am

Maganda iyon naisip ng mga singer natin na concert online. Malaki ang kinita nang ginawa ni Gary Valenciano, ngayon susundan naman ni Regine Velasquez. Sure ako si Martin Nievera gagawin din ito.

Ngayon na mahirap nang bumalik sa normal kung saan siksikan kayo sa venue para manood ng concert, siguro nga ok na sa online na ito gawin.

Maganda rin naman ang lumabas na production, maayos, kaya bagong platform ito para sa ating mga singer at banda.

Hindi ko lang alam kung ok din sa movies, pero dapat talagang pag-isipan na ang alternatives dahil mukhang matatagalan pa bago talaga natin matanggap ang pagkakaroon ng crowd na tulad ng dati dahil sa covid-19 pa rin.

Nina Taduran totoong kaibigan

Hay naku, talagang friend natin Salve si Nina Taduran na ngayon ay isa nnag congresswoman.

Imagine na panay ang kumusta niya sa atin. Ang mga ganung kaibigan ang talagang angel na binigay sa atin ni God.

Sa buhay natin, half of what we are ay impluwensiya ng ating ibang mga kaibigan. Iyon iba natin perspective sa buhay, iyon mga judgement natin, iyon ibang bagay na masasabi natin naging dahilan para mabago iyon buhay natin, marami diyan dahil sa naging friends natin.

Hindi ko siguro nakita ang buong mundo kundi ko naging friend si Douglas Quijano. Hindi ko siguro napasok ang tv at radio kundi ko naging friend si Inday Badiday at  hindi ko siguro nagawa ang maraming bagay kundi sa mga kaibigan binigay sa akin ni God.

Friends are our precious gems in life, and one of them is Nina Taduran. Love you Nina and thanks for the friendship.

GARY VALENCIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with