Rhian never nakipag-usap sa mga ex
Habang wala pang taping ng Love Of My Life, nagiging abala ni Rhian Ramos na maka-connect sa kanyang mga fans on social media.
Via Twitter, game si Rhian sa #AskRhian kung saan sinagot niya ang mga questions ng netizens.
Isa sa tanong ay kung may alam na raw ba ng Israeli boyfriend niya na si Amit ang ilang Tagalog words?
Sey ni Rhian na nagugulat daw siya dahil may mga alam na Tagalog words ang boyfriend niyang afam.
“Wala akong tinuturo sa kanya... alam niya before pa yung grabe, ano, naman, diba, kuripot, utot,” tawa ni Rhian.
May tanong naman kung nakakausap pa raw ba niya ang mga naging ex-boyfriends niya.
Sagot niya: “No, never, none of them. Pero baka naman I’ll say hi if nakita ko sila somewhere.”
Nabanggit naman ng aktres na nami-miss niya ang kanyang mother na sa Alabang pa nakatira. Di raw niya mapuntahan dahil sa ECQ.
“I just want to go home to Alabang where my mom is, I’m getting angsty and going there always puts me in a good mood,” sey pa niya.
- Latest