^

Pang Movies

Miss U Zozibini, gustong magbigay ng pag-asa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Miss U Zozibini, gustong magbigay ng pag-asa

Para makapagbigay ng saya at pag-asa sa magulong mundo ngayon, inawit ni Miss Universe Zozibini Tunzi ang Amazulu ng singer na si Amanda Black.

Ang ibig sabihin ng Amazulu ay Heaven.

May mensahe raw kasi ng lakas at pag-asa ang song na gustong niyang ipaabot sa maraming nalulungkot ngayon sa mundo dahil sa COVID-19 pandemic.

Pinost ito ni Tunzi sa kanyang Instagram kung saan napanood ito ng milyun-milyong netizens. 

Inamin din ng South African beauty queen na nakakaramdam siya ng lungkot at homesickness dahil nami-miss niya ang kanyang pamilya sa South Africa habang naka-quarantine siya sa New York.

Napanood ang IG video ni Tunzi ng singer na si Amanda Black at natuwa ito sa ginawa ng beauty queen. 

A whole Miss Universe. Yhoo guys an entire Miss Universe singing my song, i love her to bits!!!» tweet pa ni Amanda Black.

Valeen may libreng online workout

Nag-share si Valeen Montenegro ng kanyang ilang sikreto para mapanatili ang sexy body habang may lockdown.

Sa pamamagitan ng free online workout classes via Instagram at video conferencing app na Zoom, nagpakita ng kanyang workout si Valeen para sa lahat ng gustong maging physically fit sa panahon ngayon na hindi puwedeng pumunta sa gym or um-attend ng Zumba dance classes. Hopefully I was of great help to everyone this quarantine period. Thank you all for trusting me in leading your workouts kahit team replay kayo,” sey ni Valeen.

Natutuwa naman ang Bubble Gang comedienne tuwing may nagpapasalamat sa kanya dahil effective ang free online workout classes niya sa katawan nila.

vuukle comment

ZOZIBINI TUNZI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with