_pang-masa
^

Ice pinipigil ang ihi pag kayakap si Liza

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 16, 2020 - 12:00am

Saludo kami talaga sa pagmamahalan ng mag-asawang Ice Seguerra and Liza Diño. Imagine, six years na pala silang kasal and yet para pa rin silang bagong-kasal sa pagka-sweet sa isa’t isa.

Sa latest Instagram post ni Ice, talaga namang nakakatunaw ng puso ang pagmamahal niya for Liza. Nag-post siya ng larawan nila na natutulog ang misis sa kanyang braso at sey niya, ito raw ang isa sa mga pinakaborito niyang moments during ECQ (enhanced community quarantine).

“Siguro, isa to sa mga pinakapaborito kong moments. Yung tulog na yung asawa ko habang yakap ko siya. You see, kahit ECQ, tuloy pa rin si Liza sa trabaho kahit nasa bahay. Gigising nang napakaaga, magtatrabaho na. Tapos magluluto. Tapos balik sa work. Hanggang gabi na. Yan ang araw-araw niya.

“Kahit hindi niya sinasabing napapagod siya, alam ko yung stress na nakukuha niua sa buong araw tires her so much,” simula ng caption ni Ice.

Nakaka-touch din ‘yung pahayag niya na halos ayaw niyang umihi para hindi maistorbo sa pagtulog ang asawa.

“Kaya kapag yayakap na siya sa sa akin para matulog, ang sarap sa pakiramdam. Yung tipong ayaw mong gumalaw kahit naiihi ka na para lang hindi siya magising kasi kasarapan na nang hilik eh. Lalim na. Hehe.
Sana kahit papaano, napapahinga siya sa yakap ko,” saad ni Ice.

Sweetness overload di ba naman? Komento tuloy ng netizens, “sana all.”

Mass testing sa Bacoor nag-umpisa na

Nakakatuwa naman si Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla na nagpasimula na ng mass testing sa kanyang nasasakupan. Ang mga suspected patients for COVID-19 na nasa quarantine facility ang mga naunang isinalang sa swab testing.

Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Bacoor na agarang matapos ang mga isolation rooms sa Southern Tagalog Regional Hospital at makapagtalaga ng mga quarantine facilities sa pamamagitan ng pag-convert ng mga motels, hotels at inns sa Bacoor.

ICE SEGUERRA LIZA DIñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with