^

Pang Movies

John Lloyd-Bea naghahanda sa balikan pagkatapos ng quarantine

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John Lloyd-Bea naghahanda sa balikan pagkatapos ng quarantine

MANILA, Philippines — Tiyak na matutuwa ang followers ng perennial TV and movie screen partners na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil matutuloy ang balik tambalan ng dalawa sa isang movie kung saan involved din ang newly-engaged couple na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Ang hula ng marami, malamang na si Direk Antoinette ang magsusulat habang si Direk Dan naman ang magdidirek ng balik-tambalan ng isa sa pina-most successful tandem sa telebisyon at pelikula.

Taong 2015 pa ang huling tambalan nina John Lloyd at Bea sa pamamagitan ng hit movie na A Second Chance na sequel sa kanilang 2007 hit movie na One More Chance.  Ang dalawang nasabing pelikula ay parehong dinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Huling nakita sina John Lloyd at Bea na magkasama sa live script reading ng 2014 hit movie nina Angelica Panganiban at JM de Guzman, ang That Thing Called Tadhana na sinulat at dinirek ni Antoinette Jadaone. Ito’y ginanap nung Valentine’s Day, February 14 sa Art Fair Philippines na ginanap sa Ayala Triangle in Makati City.

Nakita rin ang dalawa na kumain sa isang restaurant kasama si Baron Geisler.

Kapag normal na ang takbo ng lahat ay saka lamang siguro sisimulan nina John Lloyd at Bea ang kanilang long overdue reunion movie.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit hindi man lamang na-link sa isa’t isa sina John Lloyd at Bea sa kabila ng pagiging matagumpay ng kanilang loveteam. Ngayong parehong single na muli ang dalawa, posible kayang ligawan ni John Lloyd si Bea?

Si John Lloyd ay mag-iisang taon nang hiwalay sa kanyang partner of more than two years na si Ellen Adarna. Ang ex-couple ay may isang anak na si Elias Modesto na magda-dalawang taon sa June 27. Hiwalay na rin si Bea sa kanyang last boyfriend na si Gerald Anderson, isa sa mga controversial break-up nung isang taon kung saan nadamay si Julia Barretto as the third party na dinenay naman ng huli.

vuukle comment

JOHN LLOYD-BEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with