_pang-masa
^
Ate Vi naghahanap ng donors sa ventilators

Ate Vi naghahanap ng donors sa ventilators

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 12, 2020 - 12:00am

Una, isang maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa inyong lahat.

Sana ang Easter Sunday na ito ay magbigay sa atin ng bagong pag-asa, at sana nga matapos na ang ating mga problema.

Pero mukhang mas matindi na ang labanan ngayon dahil hindi na paisa-isa ang usapan, libo na ang infected ng Covid-19. At kung noong una ang ginagawang tulong ay pakilo-kilong bigas at ilang latang sardinas lamang, ngayon iba na ang usapan.

Ang pinag-uusapan na ay kailangan ng mga ventilator at respirator para sa mga biktima ng Covid19. May nagsasabi nga, bakit kung mga pulitiko mabilis na gumagaling? Ganundin ang mga artista, gumaling ding lahat. Dahil ba sa inuuna sila?

Hindi po totoo iyan. Lahat naman po ng mga pasyente, sabay-sabay na pinaglilingkuran ng mga frontliner, iyon nga lang sigurong mga mas masuwerte sa atin, nakakabili ng vitamins na mamahalin, lumalakas ang kanilang katawan, samantalang iyon mahirap, hanggang ascorbic acid lang.

Pero may mga malakihang tulong din namang nakukuha.

Si Congresswoman Vilma Santos, nakahingi ng tulong mga kaibigan niya. Nakabili sila ng isang Monal T60 ventilator na gawa sa France na nagkakahalaga diumano ng 1.2 milyong piso at ngayon ginagamit na sa ospital sa Lipa. Pero kailangan ng marami pa, kaya nagsisikap pa rin si Ate Vi na makahingi ng tulong sa ilan niyang kaibigan para maibili ang ospital ng mga ventilators na magagamit sa mga pasyente, lalo ngayon na may mga kaso na rin ng Covid19 sa Lipa mismo.

“Hindi lang Lipa, kailangan maihanap ko rin ng donors ang iba pang mga ospital sa Batangas. Kasi dati naman talagang prime project ko iyang mga ospital sa buong probinsiya. Ok naman ang relief assistance ng LGU, kaya mas maaasikaso ko na ngayon ang ibang pangangailangan kagaya nga niyang mga medical equipment na kailangan talaga,” sabi ni Ate Vi.

Maymay binura na ang ‘alaala’ ni Edward

Mukhang bitter si Maymay Entrata sa naging split nila ni Edward Barbers. Inalis niyang lahat ang mga picture ng dating ka-love team sa kanyang social media account.

Tiyak magagalit ang fans ni Maymay, pero marami ang nagsasabing hindi mo naman masisisi si Edward dahil talagang napakaganda naman noong si Lexa Laurine, na sinasabing syota niya ngayon.

Mas maganda kay Maymay. Iyon na.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with