KC nilantad ang kakaibang closeness sa kapatid kay Gabby!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 9, 2020 - 12:00am

Nagpasalamat si KC Concepcion sa lahat ng mga nakaalala sa kanya noong kanyang birthday kamakalawa. Bagama’t inamin niyang hindi niya halos ma-imagine noong una kung ano nga ba ang birthday na mag-isa ka lang dahil sa quarantine, masaya pa rin siya sa dami ng nagpaabot ng pagbati sa kanya sa pamamagitan ng social media at ng telepono.

Pero ang sinasabi ni KC na the best ever” na pagbati sa kanya ay nagmula sa kanyang kapatid na si Garie Concepcion, anak ni Gabby kay Grace Ibuna. Siguro nga naging close sila dahil silang dalawa ang halos magkasing-edad. Silang dalawa ang magkasunod.

Noong araw naman kasi, talagang nag-effort si Gabby na maging close ang kanyang mga anak. Masasabing natigil na nga lang iyon nang umalis siya at mag-migrate sa US para umiwas na rin noon sa mga hindi magagandang issues. Nang magbalik naman si Gabby, nagkaroon na naman ng effort para magkasama-sama ang tatlo niyang anak, kabilang na rin si Chloe na naging anak naman niya kay Jenny Syquia. Pero nasa abroad na nga iyon, kaya sina KC at Garie na lang ang mas madalas magkita.

Isang serye ng pictures nilang dalawa ng ginamit ni Garie para batiin ang kanyang ate”. At halata mo sa palitan nila ng messages na talagang close ang dalawang anak ni Gabby.

Maris nilaglaglag ng mga endorsement dahil sa pagmumura sa Presidente!

Kawawa naman si Maris Racal. Hindi pa nga masasabing umangat ang kanyang career, huwag naman silang magagalit pero ang totoo maski kami ay hindi namin siya kilala. Naririnig namin ang pangalan niya pero hindi namin kilala talaga. Hindi namin siya maituturo sa isang ‹group photo.’

Pero ngayon ang balita, maraming mga endorsement ng kung anu-anong produkto na gagawin sana niya ang umurong dahil sa ginawa niyang pagmumura sa kanyang social media account laban sa presidente. Hindi naman siya papatulan ng presidente, pero umurong ang mga advertiser dahil alam nila na magkakaroon iyon ng masamang epekto sa kanilang sales. Isipin mo iyong endorser mo nilalait ng netizens.

Ang mga batang iyan kasi eh, hindi muna i-quarantine ang mga bibig. Hindi mo puwedeng basta murahin in public ang isang tao na may 85% approval ratings. Talagang titirisin ka ng mga tao.

‘Payapang Mahal na Araw sa ating lahat’

Bago ang lahat sana ay magkaroon tayo ng isang mapayapang mga Mahal na Araw, at magkaroon tayo ng isang mas mapayapa at walang problemang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.

Sa inyo pong lahat, Happy Easter.

KC CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with