James and Pat and Dave nasa KBO ngayong Holy Week
(Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aapaw sa pag-ibig ngayong Holy Week sa TV premiere ng pelikula nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na James and Pat and Dave ngayong Huwebes (Abril 9).

Sa unang team-up ng LoiNie, mapapanood ang naging buhay ni James (Ronnie) kung saan naging pariwara ito matapos ma-heartbroken sa Vince, Kath and James.

Dahil sa kanyang mga nagawa, ipapatapon siya ng kanyang ina sa kanilang probinsya kung saan makikilala niya si Pat (Loisa), ang assistant ma­nager sa resort ng kanyang lola.

Sa utos ng kanyang lola, susubukan ni Pat na i-train si James para matuto ng mga gawain sa resort at para na rin tumino. Alamin kung mapapatino ba talaga ni Pat si James at kung anong pagbabago ang mangyayari sa pagdating ng ex-boyfriend ng dalaga na si Dave (Donny).

Bukod sa pelikulang idinerehe ni Theodore Boborol, mapapanood din ng KBO viewers ang The Hows of Us, Seven Sundays, Four Sisters and a Wedding, Ang Dalawang Mrs. Reyes, Finally Found Someone, Loving in Tandem, at Beauty and the Bestie.

HOLY WEEK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with