Edward may GF na iba kaya idinenay si Maymay!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 8, 2020 - 12:00am

May bintang ang fans na iyon daw pagpo-post ni Edward Barbers tungkol sa kanilang love team ni Maymay Entrata ay tapos na muna, kasi may iba silang priorities, pero sabi ng bashers ay isa lang ‘yun ploy para maitago ang katotohanan na may ibang girlfriend si Edward.

Aba, kailan ba naman matututunan ng mga fans na ang love teams ay ginagawa lamang ng managers ng mga artista sa paniwalang sisikat sila? Hindi dahil magka-love team sila, dapat na maging mag-syota na rin sila nang totohanan.

Bakit mapipilit ba ninyo ang damdamin ng mga tao dahil lamang sa kanilang mga fans? Isa pa, sumikat ba naman talaga ang love team nila?

Baka nga mas may chance pa silang sumikat kung bibigyan sila ng ibang partners.

Sunshine pinagbibintangang KSP

Minsan magugulat ka talaga sa mga comment na mababasa mo sa social media. May isang basher na nagsabing si Sunshine Cruz daw ay masyadong papansin”. Tiningnan naman namin ang posts ni Sunshine. Talagang pinuntahan namin ang kanyang wall.

Wala naman siyang sinabing kakaiba. Naikuwento lang niya na ang anak niyang si Angelina ay graduate na sa high school, iyon nga lang walang graduation dahil sa enhanced community quarantine. Tapos may ilan siyang posts na nagsasayaw silang mag-iina. May mga kuwento rin siyang personal na normal lang naman niyang ginagawa.

Aywan kung bakit sinabi nilang nagpapapansin si Sunshine.

Pero totoo naman na may mga artistang papansin. Hindi naman kami naiinis, in fact naaawa kami sa ganoong nangyayari. May mga artista kasing alam nilang tagilid na ang kanilang popularidad. Hindi na sila napapansin ano man ang gawin nila. Masama iyan para sa isang artista, dahil ibig sabihin laos ka na. Tapos na ang iyong panahon.

Dahil diyan gumagawa sila ng paraan. Makikita mo ang pilit na pakikisakay sa popularidad ng ibang artista, para masabi lang na nasa ganoong katayuan pa rin ang kanilang popularidad. Kawawa sila.

EDWARD BARBERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with