Regine Tolentino nanggulat sa panganganak!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

Maraming kakilala at mga kaibigan ng dancer-actress, dance fitness instructress, fashion designer and entrepreneur na si Regine Tolentino ang nabigla nang ito’y mag-post sa kanyang social media account ng kanyang panganganak ng isang baby girl last March 17, 2020. Halos hindi napabalita ang pagbubuntis ni Regine courtesy ng kanyang new partner, ang photo­grapher-director and entrepreneur na si Dondi Narciso.

Ayon sa isang malapit na kaibigan ni Regine, hindi umano nalaman ng dancer-actress na siya’y buntis until she was five months heavy with her (third) baby.

Si Regine ay limang taon nang hiwalay sa kanyang ex-husband, ang actor na si Lander Vera Perez kung  kanino siya may dalawang anak na parehong babae na sina Reigen at Reigne.

In 2001, nagkahiwalay sina Regine at Lander pero hindi naglaon ay muli silang nagkabalikan na muling nauwi sa kanilang paghihiwalay finally ending their 18 years marriage.

Inamin sa amin ni Regine na wala umano siyang nakuhang suporta mula kay Lander para sa dalawa nilang anak kaya mag-isa umano niyang iginaganap ang mga ito lalo na sa kanilang pag-aaral sa Ateneo de Manila University.

REGINE TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with