Kasal nina David at Gwen postponed
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

Mahilig mag-exercise ang PBA (Philippine Basketball Association) player na si David Semerad.

Medyo nag-e-exercise na rin ang fiancé niyang si Gwen Zamora dahil seven months na rin ang anak nilang si Baby Cooper.

Dahil sa farm house nila sa may Batangas sila naka-lockdown, wala silang exercise equipments, kaya naman gumawa sila ng paraan. Gumawa nga ng barbell at iba pang gamit sa page-exercise ang mag-fiancé, kaya naman nakakapag-exercise sila.

Si Gwen, medyo pumapayat na rin, kaya malamang, bumalik na ang dati niyang kaseksihan.

Sa June nga pala dapat sila ikakasal sa may Amberfields Farmhouse sa may Tagaytay, pero pn hold na muna ‘yon. Sabi sa akin ni Gwen kahapon, “Wedding is currently on hold until everything has settled. We’ll have a new date once ok na po ang lahat!”

Naku, nakapag-food tasting na rin sila para sa magke-cater sa kasal nila, pero talagang ganyan dahil nga sa COVID-19, ang daming events na naka-cancel, huh!

Let’s all pray na matapos na ang pandemic na ito. ‘Yun na!

Dating sexy actor na si Edgar Mande naudlot din ang kasal

Noong nasa Los Angeles, California ako last February, nakasama kong mag-Sunday brunch ang former sexy actor of the 80’s na si Edgar Mande na naging leading man noon ni Julie Vega (SLN) sa Iiyak Ka Rin ng Seiko Films.

Marami ring nagawang pelikula si Edgar noong active pa siya sa showbiz, pero nag-migrate na nga siya sa Amerika at nag-caregiver. Ipinakilala sa akin ni Edgar sa brunch na ‘yon ang magiging misis niya na si Mona (Ramona Fabie).

Sa May 16 sana ang kasal nila sa Studio City, California at inimbitahan pa nga nila ako, pero hindi na nga matutuloy ‘yon dahil sa COVID-19 pandemic. Sabi ng mag-fiancé, hindi pa nila alam kung kailan nila irere-schedule ang kanilang kasal.

Noong isang araw, kinumusta ko si Edgar at nasa Beverly Hills daw siya. Doon kasi siya nagwo-work. Si Mona naman, nagwo-work bilang private nurse ng American record producer, multi-instrumentalist, songwriter, composer, arranger, and film and television producer na si Quincy Jones.

Kuwento nga ni Edgar, naipakilala na siya ng kanyang fiancé kay Quincy at mabait daw ito.

DAVID SEMERAD GWEN ZAMORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with