Frankie at Jodi naghanap ng damay sa pagpapa-pyansa ng mga nag-rally
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 7, 2020 - 12:00am

Akala namin totoong-totoo iyong sinabi ni Frankie Pangilinan na handa siyang bayaran ang piyansa ng isa, at ang natitira pang 20 rallyista na nahuli ng Quezon City police ay papiyansahan naman ng kanyang mga magulang. Ang kabuuang piyansa na sinasabing babayaran nila ay P315,000. Ang pagpapapiyansa, lumalabas na isang family effort nila.

Bukod sa kanila, sinabi rin ni Jodi Sta. Maria na babayaran niya ang piyansa ng apat, ibig sabihin ay animnapung libong piso. Kung kukuwentahin mo, sobra-sobra na ngang pang-piyansa iyon.

Pero biglang lumabas na hindi pala ganoon kung hindi magkakaroon pa raw ng “crowd funding” para mapalaya ang mga nahuling raliyista.

Bakit umurong ba sila sa pagbibigay ng pampiyansa?

Joey panay ang dasal!

Minsan may mga makikita ka rin namang nakakatuwa sa social media.

Natuwa kami talaga nang makita namin si Joey de Leon, nag-post siya ng schedule at link sa misa ng Santo Papa mula sa Roma sa kanyang social media account. Napansin din namin marami siyang panawagan para sa pagdarasal para matapos na ang mga problema nating lahat sa ngayon.

Si Joey, na nakasanayan nating hindi halos naging seryoso kung hindi puro pagpapatawa pero sa panahong ito, ganoon niya hinaharap ang problema.

Kung iisipin mo, siguro nga hindi naman siya masyadong apektado ng problema. Maganda naman ang kanyang kabuhayan dahil marunong sa buhay si Joey kahit na noong araw pa eh. Iyong mga anak naman niya, lahat ay nasa ayos.

Pero sa kabila noon, naroroon pa rin ang kanyang concern sa kapwa niya tao.

DZMM work from home lahat ng programa

Nagbalik na on the air ang DZMM. Pero lahat sila ay work from home, wala pa rin sila sa studio. Bukod sa kailangan ng disinfection sa studio, lahat nga sila naka home quarantine dahil minsan napasukan sila ng isang may COVID-19.

Dahil work from home, at nakakonekta lamang sila sa studio na gamit ang internet, hindi ganoon kaganda ang paghahatid ng balita, kasi nga may limitas­yon. Pero mas mabuti na iyan kaysa doon sa ilang araw na ang palabas nila puro mga shows ng ANC.

FRANKIE PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with